CHAPTER 33

4 3 0
                                    

SATURDAY NIGHT.. Nandito kami ngayon sa mansiyon ng mga Rivera. Halos kumpleto na ang mga bisita at nandyan na rin ang mga business partners ni Mrs. Rivera. Isinama ako ni Micko sa paglilibot-libot sa mga bisita. Sa isang table, naroon ang Team Biglaan. Masasaya silang lahat. Binati nila ako with extra energy na para bang limang taon kaming hindi nagkita-kita. Ang titindi talaga nila. Hahaha!

Sa sumunod na table naman, naroon ang Pretty Babes. Lahat sila eh nagchichikahan. Ang gaganda nilang lahat!

Natotomboy tuloy ako Hahahaha! Kundi ko nga lang boyfriend si Micko bak niligawan ko na 'tong mga kaibigan ko eh. Joke! xD "Veny! Dito ka na sa table namin," yakad ni Nica sabay turo sa bakanteng seat sa pagitan nila ni Lyka.

"Oops," sagot naman ni Micko na nakahawak pa rin sa waist ko. "She's my princess. At dahil birthday ko, bawal siyang malayo sa tabi ko. Kayo na lang muna ang mag-enjoy d'yan, girls."

"Ang damot mo talaga, Rivera, pabirong sabi

ni Kurtli. "Lagi mo na lang kasama si Veronica. Hindi naman 'yan manlalalaki eh!"

Napahalakhak naman si Micko. "At dahill nabanggit mo ang tungkol d'yan, mas lalong ayoko na siyang iwan sa inyo tonight." Natatawa kaming umalis sa table ng mahaharot kong kaibigan. Kahit kelan talaga. Minsan nga, mas mukha silang mga palengkera kesa mga elite.

"Bro!"

Pareho kaming napatingin ni Micko sa isang pares na naglalakad palapit sa 'min. Kilala ko 'yung lalaki. Siya si Gieseph, member rin ng Team Biglaan.

Guwapo rin siya gaya ng lahat ng male members nila. Unfamiliar naman 'yung mukha ng babae.

Nakita ko na siya nu'ng isang araw na kasama ni

Gieseph but I have no idea kung sino ba talaga siya. Siguro, siya 'yung bagong girlfriend ni Gieseph. Hmm. Kunsabagay. Bakit nga naman hindi?

Maganda naman yung babae at mukhang mabait.

"Uy, salamat sa pagpunta," nakangiting bunga ni Micko bago niya tinapik ang balikat ni Gieseph. Binalingan din ni Micko yung kasama ni

Gieseph. "Salamat sa pagpunta,"

The girl smiled and answered back. "Thank you rin. Happy birthday"

Hindi ako nakatiis na hindi rin magsalita. Aba. Ako lang yata ang walang-kibo. Hehe. "Basta kapag may kailangan ka or nao-OP ka, 'lapit ka lang sa 'kin," singit ko with matching sweet smile. Hindi plastic ang ngiti na 'yon. Talagang sincere ang ngiti ko nu'ng time na 'yon dahil magaan ang pakiramdam ko sa babaeng kasama ni Gieseph.

"Hindi ko naman siya pababayaan "no," pagsali ni Gieseph sa usapan. Nagkatawanan kaming apat. Ang tinik talaga sa chicks ng mga kaibigan ni Micko. Mabuti na lang si Micko mismo, stick to one lang.

Nang makalayo na kami sa mga bisita, dinala ako ni Micko sa terrace ng kuwarto niya. Pero wala kaming ginagawang masama ah! Jusmio! Bata pa 'ko, marami pa 'kong pangarap. >

Narinig kong bumuntong-hininga si Micko sa tabi ko kaya mabilis ko siyang tiningnan. "What's the matter, Birthday Boy?" tanong ko bago ko inayos ang necktie ng mahal ko. Ganu'n talaga ako kalambing sa kanya kaya masanay na kayo, Gustung-gusto kong maging perfect girlfriend para sa kanya. "Hindi ka ba nag-e-enjoy na kasama ako?"

Micko gave me a smack kiss. "Hindi talaga. Ayoko ng maraming tao. Mas gusto ko pang tayong dalawa na lang ang nag-celebrate eh. Kahit maghapon lang kitang katabi, solve na 'ko."

"How sweet," nakangiti kong sgaot. "But, at least, nand'yan naman ang mga kaibigan mo. Ang dami mo ngang natanggap na regalo eh. You're cousin gave you a new car. You're mother gave you another condo unit. And speaking of that, bakit nga pala dito ka pa rin nakatira? Ayaw mo pa talagang mag-solo 'no?"

Umiling-iling siya. "Ayoko pa talaga. Ayokong iwan si Irish dito. My sister needs me. Isa pa, mas malapit 'to sa inyo. Madali lang kitang napupuntahan. Hindi ko gugustuhing malayo sa mga pinakaimportanteng babae sa buhay ko."

"Waaah! Tama na nga 'yan. Baka langgamin na tayo.""

"Pero alam mo ba ang pinaka-best gift na gusto kong matanggap?" tanong ni Micko na seryosong nakatinigin sa 'kin.

Napatitig din ako sa mga mata niya. "Ano nga ba?"

He pulled me closer. "Ito," sabi niya before he kissed me passionately. I gasped and closed my eyes.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon