EPILOGUE

7 3 0
                                    

Veny

Makalipas ang tatlong taon...

"NAKAKALOKA ka naman, Veronica! Ba't dito mo naman naisipang maghanap ng regalo kay Tita Therese? Ang dami kayang tao," reklamo ni Lyka habang nakabuntot sa kanya sa Handicrapps. "Gaga ka naman kasi. Last minute shopping pa ang gusto mo. Kung kelan four days na lang before Christmas, tsaka ka nagkukumahog."

"Will I you please shut up?" iritado kong sabi. "Ang ingay-ingay mo talaga, Lyks. Hindi ko na nga alam ang bibilhin ko eh. Tulungan mo kaya ako kesa nagbubunganga ka r'yan? Busy ako sa trabaho kaya ngayon ko lang naharap ang pagsha-shopping." "Eh sino ba kasing nagsabi sa 'yo na mag teacher ka? Ang yaman-yaman ng pamilya i sa pagtuturo ka lang babagsak?" Hindi ko pinansin ang pangbubuwisit ng

kaibigan ko. Nagpatuloy lang ako sa pag-iikot. Nakita ko sa 'di kalayuan ang isang native Belen. Nakakatuwa ang hitsura niyon. Kapag napunta ako sa mall, ang Handicrapps kagad ang pinupuntahan ko dahil gusto ko talaga ang mga products nila.

Nilapitan ko ang nakita kong maliit na Belen, I was about to touch that nang bigla akong may makasabay. Tuloy, ang kamay ko ang nahawakan niya. Nag-angat ako ng ulo para tingnan kung sino 'yon.

.... At nakita ko ang isang napakapamilyar na lalaki. His eyes, his nose, his lips, his face. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang lalaking 'yon...

...Ang lalaking minahal ko simula pa nu'ng fourth year high school ako. Si Micko Rivera.

--End of Book 2-

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon