CHAPTER 48

2 3 0
                                    

Kurtli

UMIIYAK kong binasa ang sulat na ibinigay sa 'kin ni Justin. Iyon na yata ang pinaka-worst na letter na natanggap ko mula sa kanya. Iyon na rin siguro ang huli.

That was a goodbye-letter. Four years ago, isang love letter ang natanggap ko galing sa parehong tao. Pero ngayon, iba na. Ganito yata talaga ang epekto kapag magkaiba na kayo ng school. Malalayo na kayo sa isa't isa kaya madali na lang para sa kanya na maghanap ng iba.

Hindi ko na binasa nang buo ang sulat. I crumpled the letter then threw it away. Tama nang mabasa ko na ayaw niya na sa 'kin. Hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili ko. Mas mabuti nang maging clueless ako kesa malaman ko kung saan ako nagkulang. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya sa 'kin 'to.

Naglakad ako palayo sa locker ko. Kung hindi niya 'ko kailangan, mas lalong hindi ko siya kailangan.

Marami akong kaibigan. Hindi ako puwedeng maging mahina. Kailangan ako nina Camille at Veny. Ako ang pinakamasayahin sa Pretty Babes at ako lang ang puwedeng makapagpagaan ng mood nila. Pagsisisihan ni Justin 'to.
Panghihinayangan niya ang babaeng sinayang niya.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon