CHAPTER 34

5 3 0
                                    

Micko

TAHIMIK kong tinititigan ang babaeng natutulog ngayon sa kama ko. Mukhang pagod na pagod si Jenica. Hindi na niya nagawang makauwi. Tinawagan ko pa tuloy si Tita Therese at sinabi kong nakatulog na sa kuwarto ko si Jenica. Mabuti na lang at malaki ang tiwala sa 'kin ng mama nitong si Bubuwit. Alam naman siguro kasi nila na hinding-hindi ako lalagpas sa limitasyon ko.

"Wag kayong mag-iisip nang kung anu-ano dahil hinding-hindi ako gagawa ng masama. Mahal na mahal ko 'tong babaeng "to at kahit madalas siyang sakit sa ulo dahil sa clumsiness niya, siya pa rin ang nag-iisang babaeng gusto kong iharap sa altar.

Kahit kanina pa ko nakahiga sa tabi niya, hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Gusto ko lang titigan si Jenica. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa maamo niyang mukha. She was the most gorgeous angel of all. She's beautiful-inside and out. I moved and kissed her on the lips. Hindi ko alam kung naramdaman niya 'yon kaya bigla siyang gumalaw. Akala ko, hindi magigising si Bubuwit kaya nagulat ako nang unti-unting dumilat ang mga mata niya.

"Ano'ng oras na?" tanong niya after ng five seconds na pagtitig niya sa 'kin.

"One in the morning." Napakurap siya. And that was the sexiest thing

for me. Gustong-gusto kong makita siyang kumukurap "Hala. Hindi na 'ko nakauwi,' she said in a low, yet hesitant voice. "I'm sure magagalit si Mama sa sa'kin."

I kissed her on the forehead. "I already talked to her. And okay lang daw sa kanya na rito ka na muna matulog. So, go back to sleep. Babantayan naman kita, Bubuwit. 'Di naman ako mawawala sa tabi mo eh."

"Alam ko naman 'yon," malambing niyang tugon as she hugged me tightly. "Alam ko namang takot ka ring mawala ako sa 'yo. Ganu'n din kasi 'yung nararamdaman ko. Ayoko nang mawala ka pa sa 'kin. Ikaw lang ang gusto kong makasama in the future."

Hindi ko mapigilang ngumiti nang marinig ko yung mga sinabi ni Jenica. Bihira siyang magsabi nang gano'n. Kaya oras na magsalita siya, pinanghahawakan ko na 'yon. Malaki ang tiwala ko sa kanya, gaya ng tiwala niya sa 'kin. Mahal naman talaga namin ang isa eh. Alam kong hindi niya ko iiwan.

"Hindi ka ba natatakot sa mga trials?"
tanong relasyon ko. Wala 'yung ibig-sabihin. Gusto ko lang talagang malaman kung ano ang perspective niya sa namin. Gusto ko lang marinig na mahal din talaga ako ng babaeng mahal ko.

"Ba't ako matatakot? Alam mo, kapag nagmamahal ang isang tao, hindi siya bumibitaw hangga't kaya niya. Puwera na lang siguro kong matindi na 'yung dahilan... pero kahit na. Walang karapatan ang isang taong magmahal kung duwag siya. Kasama sa pagmamahal ang trials, love can move mountains"

Lalo akong napangiti. She was very smart indeed, parang laging may assurance ang mga sinasabi niya. At dahil do'n, mas lalo kong minahal si Jelaine Veronica Apricot. "I love you," I uttered while staring at her. She smiled. "I love you more, Micko," sagot niya na nakapagpawala ng lahat ng pagod ko nang mg oras na 'yon.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon