CHAPTER 37

3 3 0
                                    

Veny

PATAKBO akong pumanaog ng hagdan. Hindi na 'ko nagbihis. Lumabas na 'ko ng bahay. Nasa taping si Mama ngayon ng bago niyang show. Hindi ko pa siya ma-contact. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Micko called me a while ago. Nasa ospital daw si Richmond. Hindi niya sa 'kin maipaliwanag kung bakit. Lalo naman akong kinabahan. Kani-kanina lang. nagpaalam pa sa 'kin si Richmond na pupunta lang sa kapitbahay namin na classmate din niya. Kung bakit siya napunta sa ospital, I have no freaking idea!

Mabilis akong pumunta sa garahe kung nasa'n 'yung kotse ko. Bihira ko 'yong gamitin dahil lagi kong kasama si Micko at kotse niya ang ginagamit namin. nagmamadali ako Naintindihan na ng maid namin na so she immediately opened the gate.

I turned on the engine at pinaharurot ko iyon. Hindi puwede 'to. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kapatid ko, pero kinakabahan husto. na ko nang

Lord, sana naman po mali ang hinala ko. Please take care of my younger brother. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Hindi to kakayanin ni Mama.

In just few minutes, nakarating na 'ko sa hospital na sinabi ni Micko. I almost run when I entered the said place. Mabilis akong nagtanong kung nasan ang ER. Nang sabihin sa 'kin ng nurse na nakasalubong ko ang place na hinahanap ko, nagmamadali akong pumunta ron.

... And then I saw Micko standing outside as if he was still waiting for the result. Bakit siya ang kasama ng kapatid ko?

Ano bang nangyari? Hindi ko alam pero sobrang lakas ng pintig nitong puso ko. Parang may mali. Oh Lord. What is it?

"Jenica..." halos pabulong na tawag sa 'kin ni Micko nang makita niya 'ko na nakatayo na sa harap niya.

He looked so hopeless. He looked so fainted. Mas lalong tumindi ang kaba ko. Pero bago pa man ako makapagsalita, lumabas na ang doktor mula sa Emergency Room.

"Natahi na namin ang sugat niya. Pero napakalaki nu'n. And to tell you honestly, maraming: dugo ang nawala sa kanya. Hindi pa rin siya nagkakamalay. Hindi sa tinatakot ko kayo, but I'm teling you that his injury is quite serious," sabi ng doktor habang nagpapalipat-lipat siya sa 'min ng tingin.

"What happened? Kelan po magigising ang kapatid ko? Ano po ba talagang condition niya?" histerikal kong tanong. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak.

"Under observation pa siya. Wala pa 'kong puwedeng maibigay na result. Just pray na maging okay na siya. Maiwan ko na muna kayo," sagot sa 'kin ng doktor bago niya kami nilagpasan. "Micko, ano bang nangyari?!" tanong ko in a low yet confused tone.

"Jenica..." Micko uttered. Seryosong-seryoso ang mukha niya, but his eyes were asking for something. "Kanina... Pinuntahan ko si Richmond para konprontahin siya dahil sa ginawa niya kay Irish. Nasapak ko siya. Nag-away kami. Nagpangbuno.

Then... Then bigla ko na lang siyang naitulak. Tumama Tumulo ulit ang mga luha ko. Nakatulala pa rin ako kay Micko. Siya ba 'yung kung bakit ang ulo niya and..." nangyari 'to sa kapatid ko?

Ano'ng naging kasalanan ni Richmond? Tama bang sa gano'ng paraan niya saktan 'yung kapatid ko? Dahil sa kanya, hindi magising ngayon ang kapatid ko!

"Umalis ka na, Micko. Please." "Yun na lang ang nasabi ko.

"Hindi natin dapat pag-awayan 'to, Jenica. I'm so sorry kung nagkagano'n ang kapatid mo. Gumanti lang ako para sa kapatid ko. I'm sorry, Baby."

Hinawakan ni Micko ang mga kamay ko pero wala akong nararamdamang spark. He held my chin, but all I gave him was a cold stare. Hindi ko alam na darating sa point na mararamdaman ko 'to. Mahal na mahal ko si Micko pero sa mga oras na 'to, hindi ko mahagilap ang feeling na 'yon.

Marahan kong pinalis ang kamay niya. Parang ayokong mahawakan niya ang kahit isang daliri ko. Hindi tampo o inis ang nararamdaman ko kay Micko nang mga oras na 'to.

Galit.

Isang malalim na galit. Isang galit na hindi ko alam kung bakit bigla kong naramdaman.

"Hindi na yata kita kayang patawarin, Micko," mahina kong sagot bago ko ibinaling sa kawalan ang mga mata ko. "I almost lost my brother because of you. Alam mo kung ga'no namin kamahal si Richmond. He's the prince of our family. Pa'no na lang kung-"

"Oh. please. 'Wag mo namang gawing malaking issue 'to, Jelaine Veronica. I'm very sorry." nagmamakaawang-sabi ni Micko. Pero ewan ko ba. Kahit yata iyon na ang pinaka-sincere na sorry ng lalaking katabi ko, hindi niyon mapalambot ang puso ko.

Napakalaki na ng ipinagbago ni Micko. Hindi na siya 'yung bayolenteng lalaki na nakilala ko four years ago. Hindi na siya ang bully na kinaiinisan ng lahat. Matino na siya. Mabait. Sweet. Kakaiba.

Pero mali pala ako.

Masama pa rin siya. Ginagawa niya pa ring laruan ang ibang tao. Nananakit pa rin siya ng iba. At hindi tulad ng dati, mas lalo pa yata siyang lumala. "Micko... I love you so much. Pero sa tingin mo

ba, kaya ko pang patawarin ka ngayon after what you did?" tanong ko matapos ko ulit tumingin sa mga mata niya. I can't help but cry. "Micko... Hindi ko gusto tong mga nangyayari. Hindi ko gusto ang decision na 'to. But I have to do this. I'm sorry... Kapatid ko ang sinaktan mo. And I love him more than what you think. Mahal ko siya gaya ng pagmamahal mo sa baby sister mo. Hindi mo dapat to ginawa. It's over. Let's break up."

Nakita ko 'yung gulat at sakit galing sa mga mata niya. Hindi niya na rin napigilan ang mga luha niya. "No... No, Jenica. You can't do this to me?" I held his hand. I stared at him for a few

minutes more before I kissed him on the lips. "I love you so much, Micko Rivera. But I think... Hindi siguro ito yung tamang panahon. Hindi siguro ako ang tamang babae para sa 'yo."

I turned my back on him at sinimulan kong humakbang. Pupunta na lang muna 'ko sa chapel. Hindi. Ah, basta. Ewan. Gusto kong lumayo sa kanya.

Napapikit ako nang bigla siyang lumuhod at humawak sa kamay ko. Shit! Lalo lang akong napaiyak. Lumuhod sa harap ko ang prinsipe ng mga bully. Lumuhod sa harap ko ang lalaking nagpaluhod din ng napakaraming tao.

"Jenica... Please, Jenica..." nagmamakaawang sabi ni Micko. Nang tingnan ko siya, lalong bumuhos 'yung mga luha ko. Nagmamakaawa ang mga mata ni Micko. He looked so hopeless. "Wag, Jenica. For the first time, makikiusap ako sa 'yo. Don't leave me... I'm begging."

Natakpan ko ang bibig ko para pigilan ang sarili kong mapahagulgol. Wala na 'kong pakialam sa paligid namin o kung nasa'n ba kami. Wala na 'kong maintindihan sa mga nangyayari. Iyak na ko nang iyak. Nahihilo ako. Napakagulo. I can't help but to cry and watch the man I used to love before. Mahal ko pa rin naman siya. Nakatanim na 'yun sa isip ko pero hindi ko 'yun maramdaman sa mga oras na 'to.

Gustung-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. He was crying desperately. Malayung-malayo siya sa seryoso, palaban, matapang na lalaking nakilala ko.

Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya. "Please, Micko. Itigil na natin 'to. Hindi ko kayang magmahal ng lalaking walang alam kundi ipahamak ang mga tao sa paligid niya."

Sana mapatawad niya 'ko. Sana kayanin ni Micko na wala ako. Sana matanggap niya. Kasi ako, pipilitin kong makalimutan siya. Tama 'tong ginawa ko. Love isn't love anymore when selfishness and anger takes over.

Gusto kong magwala. Bakit kailangan pang magkaganito? Bakit kailangan niya pang saktan 'yung kapatid ko. Hindi 'to maliit na bagay. Buhay ng kapatid ko 'yung nalagay sa peligro. Hindi niya dapat ginawa yun. Hindi.

I'm sorry, Micko. I'm so sorry.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon