CHAPTER 49

2 3 0
                                    

Veny

"VENY, sabay sana tayo. Okay lang ba?" Pinilit kong ngumiti kahit mugto na naman ang mga mata ko. Hindi ko naman puwedeng tanggihan si Rupert. Okay lang naman sa 'king magkasabay kami lalo na't hindi naman ako sumasabay kina Camille sa pag-uwi. Hindi ko rin dala ang kotse ko dahil coding ako every Friday.

"O-Oo. Okay lang. Ahm... Dadaan lang ako saglit sa locker ko tapos alis na tayo," I said in a low voice.

"Samahan na kita?" Umiling ako. "No, thanks. Kaya ko na. Hintayin mo na lang ako rito ha?" Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Rupert. I made my way out of our classroom. Kapag kasi nagtatagal ako du'n, mas lalo akong napaparanoid. Feeling ko, lagi na lang nasa labas ng room si Micko at hinihintay na matapos 'yung klase ko. Pero para naman akong tanga na sasabihin rin sa sarili ko na wala na talagang way para magkaayos pa kami. Kailangang isip naman ang gamitin ko, kahit minsan lang. Hindi ko na siya dapat mahalin. Hindi ko na siya kayang patawarin.

Mahal na mahal ko siya. Mahal ko siya gaya ng pagmamahal niya sa 'kin. Iniisip ko rin 'yung future namin gaya ng ginagawa niya. Pero... Pero tapos na kami. No more second chance. It's over, whether he likes it or not.

Luhaan akong nakarating sa locker area. Walang tao. Buti na lang. Kailangan ko kasing magtago pa kapag may tao. Ang hirap pa namang magpanggap na okay ka kahit hindi. Hays. Ganito ba talaga 'yung love? Para kong mababaliw dahil sa mga nangyayari. Kung kaya ko lang sana, gusto kong bumalik sa nakaraan. Gusto kong iwasan si Micko. Gusto kong bumalik sa normal 'yung buhay ko. Walang bully. Walang Micko. Walang trouble.

I was shocked nang biglang may humawak sa mga balikat ko mula sa likuran. Halos manlambot ang tuhod ko nang makita ko kung sino ang nasa likod ko-si Micko. He was serious. And, damn! Mas lalo ko yata siyang minamahal kapag gano'n ang hitsura niya. Micko... Ba't mo ba ko pinapahirapan nang ganito? "Let's talk," sabi ni Micko habang nakatitig sa

mga mata ko.

Gusto kong takpan ang mga mata ko para itago sa kanya kung ga'no 'ko nahihirapan pero huli na. Nakita na ni Micko kung pa'no 'ko nasasaktan ngayon. Nakita niyang apektado pa rin ako sa desisyong ako mismo ang nagsabi.

"We have nothing to talk about," I said in a cold tone. Kailangan ko 'tong gawin para maipakita sa kanya na kaya ko nang labanan ang mga titig niya. Kaya ko nang mabuhay nang wala siya. "Di ba sabi ko sa 'yo layuan mo na 'ko?"

"How could you be so cruel?" amused na

tanong ni Micko. Halatang apektado rin siya sa mga nangyayari sa 'min. Well, it was all his fault. "Bakit ganyan ka sa 'kin, Jenica?"

Hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. This is exactly what I hate. Ayokong tumitig sa mga mata ni Micko. Ayokong makita niya ang totoong nararamdaman ko. Paulit-ulit na lang kami sa ganito.

"Jenica..."

"Micko, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi na tayo puwedeng magkabalikan pa? It's over.

Tigilan na natin 'to. Parang-awa mo na." Sinadya kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Ni ayokong mahawakan ako ni Micko nang mga oras na 'yon. Nakakapagod na ring umiyak at mag-emote eh.

"Ganito na lang ba talaga? I once made a mistake, pero hindi ko naman uulitin 'yon eh. I love you and nothing else matters, right?" Micko held my chin and asked me to look at his eyes. "I love you, Jenica. Let's start over again."

"Hindi ko gustong makasama ang isang lalaking hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya." Sa totoo lang, ayaw lumabas ng mga salitang 'yon mula sa bibig ko pero ipinagtulakan ko na sila palabas.

"Jenica..."

"Sorry. I have to go," sabi ko bago ko siya tinalikuran at dire-siretsong bumalik sa classroom. I forced myself to smile. "I have to go. May naghihintay pa sa 'kin sa room. Ingat ka sa pag-uwi." Tinalikuran ko siya at naglakad na 'ko pabalik sa room. Pero hindi pa 'ko masyadong nakakalayo nang marinig kong sumigaw si Micko.

"Jelaine Veronica Apricot! Hihintayin ko na mapatawad mo 'ko. I love you so much! Hihintayin kita!"

In an instant, tumulo ulit ang mga luha ko.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon