CHAPTER 39

2 3 0
                                    

Veny

"WHAT?!"

I bit my lower lip. Kausap ko sa phone si Mama. She was still at the taping. 9pm na. Nasa Intensive Care Unit na 'ko ngayon at binabantayan si Richmond. Wala pa rin siyang malay. The doctor told me about his condition pero hindi ko naman iyon masyadong maintindihan. Not because I'm dumb but because I had lots of problems. Basta ang malinaw lang sa 'kin, kapag hindi pa nagising mamayang hatinggabi si Richmond, mako-consider na siya as comatose.

"I'll tell you everything later, Ma. Nandito lang ako sa ICU. Binabantayan ko si Richmond. He's still unconscious," paliwanag ko.

"Bakit ngayon ka lang tumawag?! Okay, okay. I'll be there in two hours. Please, Veronica. Don't leave him." Iyon lang at pinutol na ni Mama ang tawag

Natampal ko ang noo ko. Nagsimula na naman akong maging emotional. Habang tinititigan ko ang walang-malay kong kapatid, hindi ko maiwasang maiyak. Ano bang naging kasalanan niya? Ano bang naging pagkakamali niya? Bakit kailangang ang kapatid ko pa yung maging ganito?

Nang ma-rescue si Richmond 12 years ago mula sa pagkakalunod, itinuring na namin yong second life ng kapatid ko. That was a miracle! Kaya naman alagang-alaga namin siya-lalo na si Mama. Halos ituring niyang prinsipe si Richmond kaya sigurado akong alalang-alala na si Mama sa mga oras na 'to.

I sighed as my tears fell from my eyes. Sinubukan kong punasan 'yon pero mabilis lang iyong tumulo ulit. Kahit kelan talaga, iyakin ako. Hindi ko pa rin kayang kontrolin 'yung emotions ko.

"Bakit ba kasi kailangan mo 'tong gawin, Micko?" tanong ko out of my frustration. "Bakit kailangan mong guluhin 'yung relasyon natin? Bakit kailangan mong gawin 'yung bagay na 'to?" Micko...

Napalakas na ang iyak ko. Bakit ganito? Pa'no niya 'to nagawa sa kapatid ko? Tinanggap ko siya kahit siya ang pinakamasamang lalaki sa St. Catherine noon. Minahal ko siya. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Bakit niya kailangang bumalik sa pagiging childish bully at saktan si Richmond?

I hate him!

Nanghihinayang ako sa lahat. Nanghihinayang ako sa mga panahon na naging masaya kami. Dahil lang sa pagiging basagulero niya, masisira at mabubura na ang lahat ng 'yon. Parang kelan lang, nangarap kaming magkasama...

Hindi maiwasang mag-flashback sa isip ko ang mga pangarap namin noon. Hindi ko rin maiwasang masaktan at lalong maiyak.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon