CHAPTER 50

2 3 0
                                    

Micko

NAGLALAKAD ako ngayon pabalik sa parking area. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak na naman na parang babae. Dapat masanay na 'ko na hindi na babalik sa dati ang lahat. Hindi ko na siguro maayos to.

Bakit ko pa nga ba siya hinahabol? I am Micko Rivera. Sanay na sanay na dapat akong makipaglaro sa mga babae. Hindi ko dapat itinali ang sarili ko kay Jenica. Magiging parte lang din naman siya ng buhay ko.

Hindi ko dapat seryosohin ang mga babae, laruan lang sila. Wala silang karapatang maging masaya. Gusto kong makita kung pa'no sila umiyak gaya ng ginagawa nila sa mga inosenteng lalaking iniiwan nila.

"Micko!"

Nakita ko si Camille na palapit sa 'kin. Dala dala niya na ang mga gamit niya. Medyo mas maayos mukha niya ngayon kesa nu'ng isang linggo. Siguro, hindi na siya masyadong umiiyak kapag mag na ang isa siya.

Buti pa siya.

"Oh? Tapos na ba ang klase mo?" I asked kahit wala naman talaga akong kagana-ganang makipagkuwentuhan sa kanya.

She smiled. "Oo. Wala kaming Prof sa Statistics kaya early dismissal. Okay lang ba kung sumabay ako sa "yo? Wala kasi akong kasamang umuwi. Wala 'yung car ko, kung okay lang naman."

"Sure."

Magkaagapay kaming naglakad. Sa dinaraanan namin, may nakita kaming mag-boyfriend-girlfriend na naglalambingan sa corridor. Ay mali. Yung babae lang ang lumalambing sa lalaki.

"Ang arte naman ng lalaki. Pasalamat nga

siya at mahal na mahal siya ng babae eh. Dapat ma appreciate niya yun. Pa'no na lang kapag wala na 'yung girlfriend niya sa tabi niya?" litanya ni Camille.

I smirked bitterly. "Minsan kasi, nag-iinarte rin kaming mga lalaki. Gusto namin 'yung babaeng hindi nagsasawang lambingin kami. And... ayaw na ayaw naming iniiwan kami sa ere...na parang wala lang. Hindi kami disposable toy na kapag pinagsawaan na eh itatapon na lang. Nasasaktan din kami." "Ganyan din naman ang mga babae. We love how men take care of us. We love how they treat us like a princess, like their highness. We love how they make us feel like we're the only woman in the whole world. Kaya lang... Wala na yatang alam na gawin ang mga lalaki ngayon kundi gawin kaming laruan. They love to see us cry like hell," Camille said in a cracking voice.

Nang tingnan ko siya, nagulat ako dahil tumutulo na pala ang mga luha niya galing sa mga mata niya. At sa nakikita ko, bumabalik na naman siya sa pagiging super emotional.

Nahahawa tuloy ako.

Kinabig ko siya palapit. Inakbayan ko siya para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Kaya lang, mali yata ang ginawa ko. Dahil sa pagtingin ko sa harap namin, nakita ko si Rupert at Jenica na naglalakad, at makakasalubong namin sila.

She smiled. Pero sa apat na taong nakasama ko siya, alam kong hindi totoo ang ngiting 'yon. She was in a great pain. Pero bakit? Ganu'n rin naman ang ginawa niya sa 'kin. Sinaktan niya rin ako na para bang hindi mahalaga sa kanya ang nararamdaman ko. Ang mas masakit pa roon, itinapon niya ang pagmamahal at mga pangarap na binuo ko.

Ngayon, wala siyang karapatang masaktan.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon