CHAPTER 43

2 3 0
                                    

Micko

ISANG MALUTONG na sampal ang isinalubong sa 'kin ni Mommy nang makapasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko naman kailangang magtanong pa kung bakit iyon ginawa ng sarili kong ina. Alam kong alam niya na ang nangyari kay Richmond.

"You're crazy!" my mom shouted. "Alam mo ba ang mga pinaggagagawa mo ha, Micko?!" Hindi ako kumibo. Mula sa likod ni Mommy,
nakita kong tahimik na nakatayo si Irish. Hindi siya
kumikibo pero nababasa ko sa mga mata niya ang
tanong na: "Kuya, Ba't mo 'yon ginawa?"

"Hindi kita pinalaking ganyan, Micko! I never told you to do such things like these to make yourself a man. Hindi ka ganito dati. Hindi-"

"Tama na!!!!"

Ang malakas na sigaw kong iyon ang
nakapagpatahimik sa maingay kong ina. Alam kong mali ang ginawa ko, pero iyon lang ang magandang paraan para matauhan siya.

"Tigilan niyo na ang kakaulit-ulit sa 'kin ng isang pagkakamali! At talagang hindi niyo 'ko pinalaki sa ganitong paraan dahil kahit kelan, hindi niyo 'ko inalagaan bilang anak niyo. Puro kayo trabaho! You're just always after the money. Kelan ba ko nagkaroon ng halaga sa inyo ha? Sabihin niyo nga! Kelan niyo ba 'ko niyakap para sabihing 'Kaya mo 'yan, anak? Hindi niyo 'yon nagawa! Hindi kahit kelan!"

Mabilis ko silang iniwan sa living room. Dire diretso akong umakyat sa kuwarto ko. When I locked the door, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko, Gaya ng mga nagdaang araw, ang wall ng kuwarto ko ang pinaglabasan ko ng sama ng loob. Ilang beses ko 'yong pinagsusuntok.

Kelan ba 'ko titigil sa ganito? Hays. Hindi ko rin alam. Pero isa lang ang gusto kong gawin ngayon...

...Ang bumalik sa dati kong pagkatao: Ang maging pinakamasamang bully na nagpapaiyak nang maraming tao.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon