CHAPTER 51

3 3 0
                                    

Rupert

NAGULAT ako nang makita ko si Veny na umiiyak pagbalik sa classroom. Hindi siya kumikibo. Parang mas bumigat ang pakiramdam niya kesa kanina bago siya pumunta sa locker niya.

Siguro... Siguro nagkita na naman sila ni Micko.

I tightly closed my fist. Mapapatay ko talaga ang hayop na 'yon! Kelan ba siya mamamatay? Kung puwede lang, ako na ang magbo-volunteer na ihulog siya sa bangin.

Mabilis akong lumapit kay Veny para i-comfort siya. Langya. Bakit ba ganito ka-unfair ang buhay? Bakit ba itinatapon ng iba 'yung taong araw-araw kong ipinagdarasal na mapunta sa 'kin?

Kinabig ko siya palapit sa 'kin. Sana mabawasan ng yakap ko 'yung nararamdaman niya, kahit alam kong imposible. Gagawin ko ang lahat ng kaya ko para sa kanya. Ayokong mahirapan siya nang ganito. Ayokong maramdaman niya na nag-iisa siya. Napapagod na 'kong makita siyang umiiyak.

"Umuwi na tayo," sabi ko habang pinipilit kong pagaanin ang nararamdaman ni Veny. It took a minute before she realized that she already needs to go home. "S-Sige, okay na 'ko. Tara na. Please."

Magkaagapay kaming naglakad palabas ng classroom. Nag-volunteer na 'kong bitbitin ang gamit niya. Ayaw niya pa sana yong ibigay sa 'kin but I insisted. Walang kibo si Veny habang naglalakad kami.

Ganu'n din naman sana ang gagawin ko pero may nakita akong isang 'di kaaya-ayang nilalang. I saw Micko Rivera walking with one of Veny's friends. Sa pagkakatanda ko, Camille ang pangalan ng babaeng 'yon. Lalo akong nagalit kay Micko nang makita kong nakaakbay siya sa kasama niya.

Tanga ba ang Camille na 'yon? Hindi niya man lang ba naiisip na kabi-break pa lang ni Rivera at ni Veny? Hindi siya dapat magmukhang linta na dumidikit kagad kapag may nakitang pagkakataon.

Napabaling ako kay Veny. She was also staring at them. Nakangiti siya nang kaunti pero halata namang fake lang iyon. Sino ba namang brokenhearted ang masisiyahan na makitang lumalandi na kagad ang lalaking iniiyakan niya sa araw at gabi?

Wala sa sariling hinawakan ko ang kamay ni Veny. Hinila ko siya at binilisan namin ang paglalakad hanggang sa malagpasan namin ang makakating higad na 'yon.

When we reached my car, isang malakas na pag-iyak ang narinig ko mula sa kanya sa loob ng sasakyan. Grabe. Iyon na yata ang pinakamakadurog pusong iyak na narinig ko. She was wailing as if someone died.

I held her hands. Nang hindi ko pa rin siya mapatawad, niyakap ko siya nang buong-puso.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon