CHAPTER 36

4 3 0
                                    

Micko

PINAHARUROT ko ang kotse ko papunta sa bahay nina Jenica. Hindi siya ang gusto kong makausap this time, kundi si Richmond. He's a jerk! Wala siyang karapatang paiyakin ang kapatid ko.

Si Irish ang nag-iisang kapatid ko. I loved her so much. Siya lang ang palagi kong nakakausap at nakakasama dahil our parents were always busy. Kaming dalawa lang ng kapatid ko ang nagkakaintindihan. We both take care of each other all the time.

Kaya hindi ako papayag na umiyak siya dahil lang sa walang kuwentang lalaki.

Makakatikim sa 'kin ang Richmond na 'yon! I don't hella care if he's my girfriend's brother. Hindi ko palalampasin ang ginawa niya. Parang hindi siya lalaki.

He's a dork!

Nang makarating ako sa harap ng bahay nina Jenica, I saw that freak coming out. Mukhang lalabas lang siya saglit dahil nakapambahay lang ito, Mabilis kong hininto ang sasakyan.

Lumabas ako ng kotse at hinarang ang daraanan niya. "Oh, Kuya Micko," bati pa sa 'kin ng mokong na 'to. I closed my fist tightly. "Wag mo 'kong matawag-tawag na Kuya!" sigaw ko bago ko binigwasan ang kanan niyang panga.

Bumagsak siya at napasubsob sa lupa.

"Wala kang karapatang paiyakin si Irish!" I shouted out loud.

Lalo akong nagngitngit sa galit nang makita ko siyang tumayo. Hawak-hawak niya pa ang mukhang dinapuan ng kamao ko. "You're sister is a whore! Ilang beses ko bang kailangan ipaintindi na hindi ko siya gusto? Masyado siyang ilusyonada!"

"Damn you!" Muli ko siyang pinaliparan ng suntok. "Akala mo kung sino ka? Ngayon, sisiguraduhin kong mawawala 'yang kaguwapuhang ipinagmamalaki mo!"

Paulit-ulit ko 'yong ginawa pero nakalaban siya. Sinalag niya ang isa sa mga suntok ko at nagpangbuno kami, pero hinding-hindi ako magpapatalo. Para 'to sa kapatid kong walang kalaban laban niyang sinaktan. With all my force, itinulak ko siya palayo. Tumilapon siya. And to my most tremendous mistake, tumama ang ulo niya sa edge ng sementadong pathway na isang dangkal ang taas mula sa lupa. Ikinagulat ko 'yon. I saw blood coming out of his bleeding head. Nawalan ng malay si Richmond. This couldn't be.

Napatakbo ako palapit sa kanya. I need to bring him to the nearest hospital.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon