CHAPTER 47

3 3 0
                                    

Justin

"WHAT?! Don't do this to me, Mom! I'm old enough to follow your decisions."

Tumalim ang tingin sa 'kin ni Mommy. Alam kong hindi niya nagustuhan ang mga lumabas sa bibig ko. Well, ako din naman sa kanya. Hindi ko rin gusto ang mga ginagawa niya. Hindi ko gusto ang pagma manipulate niya sa buhay ko.

"I'm your mother and I know what's the best for you." mariin niyang sabi habang nakatayo pa rin sa harap ko. Nandito kami sa kuwarto ko. Busy ako sa pagbabasa nang pumasok siya at walang pakandangang sinabi na gusto niya 'kong ipakasal sa anak ng business partner niya.

I sighed in great frustration. "May girlfriend ako, Mahal ko si Kurtli. Please. Hayaan niyo naman akong pumili ng babaeng gusto ko."

"And then? Gagayahin mo si Micko na infatuated na sa iisang babae? You're must be a dork! Kailangan mo nang paghandaan ang future mo, Anak. Sumunod ka na lang sa 'kin. 'Wag mong gayahin ang pinsan mo."

"Sumunod?" I repeated her word in a very sarcastic way. "Lahat na lang ng decision niyo, sinusunod ko. Kayo rin ang may gusto na sa ibang school ako mag-aral imbis na sa Carlegeih Hanston University. Kayo rin ang nagpakuha sa 'kin ng Business Administration kahit Fine Arts ang gusto ko. Nasunod kayo sa lahat. Pati ba naman sa pagpili ko ng babae sa 'kin, papakialaman niyo pa rin ako?!"

Bigla akong nasampal ni Mommy. Hindi iyon kong mangatwiran. Lagi niyang ipinamumukha sa 'kin ang una. Madalas niya 'yung gawin kapag sinusubukan na wala akong magagawa hangga't nabubuhay siya.

"Susunod ka sa 'kin. Kung hindi ka makikipag break sa Kurtli na 'yon, I would surely make her life a living hell." Tinalikuran na 'ko ng sarili kong ina at pabalagbag niyang isinara ang pinto ng kuwarto ko. Naihagis ko ang mga librong nasa paligid ko.

I screamed as if I was the most unlucky man in the world. Hindi ko akalain na kaya 'tong gawin sa 'kin ng sarili kong ina. Nakakainis! Hindi pala. Nakakagalit! I pulled her picture under my pillow. Naiinis kong pinunasan ang namumuong tubig sa gilid ng mga mata ko. Sayang ang ilang taon naming relasyon. Hindi ko kaya na dahil lang sa kagustuhan ng taong nagmamanipula sa buhay ko, kailangan ko siyang iwan.

Wala akong magagawa. If that's just the only to make my mom shut up, gagawin ko. Ayokong masira ang buhay ni Kurtli. Ayoong pagbuntungan siya ng galit ng nanay ko. I should protect her at all times. Siguro naman, magagawa ko pa rin 'yun kahit hindi na kami.

Aaminin kong mahina ako pero darating 'yung panahon na kaya ko nang ipaglaban ang babaing mahal ko. And when that time comes, hahawakan ko na ang kamay niya. Hinding-hindi ko na siya hahayaang mapunta sa iba. Sana.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon