CHAPTER 41

2 3 0
                                    

Veny

NAGLALAKAD na 'ko papunta sa parking area kung sa'n nakaparada ang kotse ko. Tapos na ang klase ko kaya babalik na 'ko sa ospital. Tatlong araw ko nang ginagawa 'yun. Hindi pa rin nagigising si Richmond. Si Mama lang ngayon ang nagbabantay sa ospital.

Dito ulit ako dumaan sa paborito kong shortcut, sa likod ng building. Mas mabilis kasi talaga dito eh. Isa pa, ayokong makita ako ng maraming tao. Mabilis ang tsismis. Alam kong mabilis lang nilang malalaman na break na kami ni Micko.

I was on my way nang bigla kong madaanan ang isang pamilyar na lalaki. Napakapamilyar. He was leaning on the wall. Nakatingin sa 'kin ang malulungkot niyang mga mata.

Nangilid ang mga luha ko. Parang nu'ng isang araw lang, nandito kami sa lugar na 'to bilang isang sweet couple. Nandito siya para ipangako sa 'kin ang about sa true love at nandito naman ako para makinig sa kanya. Who would have thought that we would face this bitter ending?

I gave out a fake smile. Hindi ko na siya kinausap. Nilagpasan ko na siya. Pero bago pa 'ko tuluyang makaalis, hinila niya ang kamay ko. He leaned me against the wall-gaya ng madalas niyang ginagawa noon. But this time, hindi na parehong feeling ang nararamdaman ko. Hindi na tulad ng dati.

"Let go of me," mahina kong sabi. Hindi ako tumitingin sa mga mata niya. Ayoko nang makita ang pagmamakaawa niya. Nasasaktan ako 'pag nakikita kong nahihirapan siya pero mas nasasaktan naman ako kapag nakikita kong walang-malay sa ospital ang kapatid ko.

"Jenica..."

"I said let me go."

He kissed me on the lips. With that, biglang tumulo ang mga luhang pinipigilan kong umagos. Hindi na ko kayang pakalmahin ng mga halik ni Micko. Nararamdaman ko ang sincerity niyon, but that wasn't enough. Hindi niyon mabura lahat ng sakit at takot ko.

Pinilit ko siyang itulak palayo. "Micko, please.

Itigil na natin 'to. Wag na nating pahirapan ang mg sarili natin. Let go of me. Let go of my heart"

I left him without looking back. Ayoko na talaga ng ganito. Hindi ko gustong masaktan kami pareho. Pero si Micko na ang gumawa ng paraan. S na mismo ang naglayo sa sarili niya. He went beyond the limitation.

Narinig kong sumigaw nang malakas si Micko. Bigla namang dumami ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Para bang nakikisimpatya sila sa nararamdaman ng lalaking tinalikuran ko. Nadaaanan ko ang Pretty Babes pero

nilagpasan ko lang sila. Ayoko muna ng kausap ngayon. Ayoko muna sumama sa kahit sino. Nang makarating ako sa parking area, mabilis kong binuksan ang kotse ko at pumasok sa loob.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon