CHAPTER 45

2 3 0
                                    

Rupert

KANINA ko pa pinapanood si Veny habang nagle lecture ang professor namin. Kanina ko pa rin nakikitang nakatulala lang siya. Alam ko namang may malaki siyang problema nang mga oras na 'yon. Pero ngayon ko lang nakitang dinala ni Jelaine Veronica Apricot ang problema niya sa school. Sanay kasi ako na palaban at energetic pa rin siya kapag napasok siya kahit may problema siya.

Hindi naman kami ganu'n katagal na magkakilala. Pero sa loob ng tatlong taon, masasabi ko na ang mga kahinaan niya. Alam ko na rin siguro kung saan siya magaling at sa kung saan niya kailangan ng tulong ng iba.

Ilang beses na napabuntong-hininga si Veny habanag nagdi-discuss si prof. Nakikita ko na walang pumapasok sa isip niya. Hindi ako kasing-talino niya pero alam ko na sa mga oras na 'yon, mas marami pa 'kong nage-gets kesa sa kanya.

Nang makalabas ang professor namin, niyaya ako ni Sandie na sumabay sa kanya dahil lunchbreak na pero tumanggi ako at nagpaiwan sa room. Nando'n pa kasi si Veny at hindi man lang kumilos ito sa inuupuan niya. Nakatulala lang siya habang nakapangalumbaba. Mugtong-mugto ang mga mata niya kaya alam ko na kagabi pa siya nabanat ng iyak.

Kinuha ko ang dalawang sandwich na nasa bag ko. Binili ko 'yon kanina at para sa kanya talaga ang isa. These past few days, napapansin ko kasing hindi talaga siya kumakain. Kapag uwian na, hindi ko na siya makita sa buong campus. Ang sabi sa 'kin ng kaibigan niyang si Lyka, dumidiretso na si Veny sa ospital para kamustahin ang lagay ng kapatid niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nilapitan ko si Veny at iniabot ang isa sa mga sandwich na hawak ko. She stared at me for few seconds.

Sa huli ay tinanggap niya pa rin ang sandwich.

"Thank you," matamlay niyang sabi.

"Care to tell the problem?" tanong ko bago ako naupo sa tabi niya sabay kagat sa hawak kong sandwich.

Hindi siya kagad kumibo. Siguro pinag-iisipan niya kung kailangan niya pa bang sabihin sa 'kin ang problema niya. Sa huli, nanaig pa rin ang pagiging mahina niya. "Si Micko... Akala ko nagbago na siya. Akala ko hindi na siya 'yung childish bully na nakilala ko four years ago. But... But I was wrong. Ganu'n pa rin siya. Hindi pa rin niya matagalan na bindi makapanakit ng iba."

Napahigpit ang hawak ko sa kinakain kong sandwich. Sa totoo lang, alam ko na ang tungkol du Pero nang marinig ko iyon mula mismo sa mga labi Veny, parang sumikip ang dibdib ko

Napabuga ako ng hangin, parang gusto ko namang sapakin si Micko gaya ng ginawa ko two years ago. "Ano bang nangyari? Sabihin mo lang. Makikinig ako."

"Si Micko 'yung dahilan kung bakit comatose ngayon sa ospital ang kapatid ko. Alam kong hindi sapat 'yun para iwan ko si Micko. Pero para sa 'kin, ise na 'yung unforgivable sin. Hindi niya dapat sinaktan ang kapatid ko. Micko almost killed my brother. Si Richmond na lang ang nag-iisang lalaki sa pamilya. Ang kapatid ko na lang ang puwede naming sandalen ng mama ko kapag hindi na namin kaya. Pero ngayon, hindi namin siya makausap," umiiyak na paliwanag ni Veny.

Iyon na yata ang isa sa mga pinakanakakadurog-pusong confession na narinig ko mula kay Veny. Hindi ako makapagsalita. Close naman kami kahit papa'no pero hindi ko naman in expect ne ganito pala siya kapag nasaktan. It obviously hurt her like hell.

Maya-maya, nagsalita siya ulit. "Sorry. I look so pathetic. Sa 'yo ko pa sinabi, samantalang alam ko namang hindi mo 'ko maiintindihan." Biglang sumakit nang husto 'yung puso ko. Awang-awa ako sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinila ko siya at niyakap nang mahigpit. Isa na siguro yon sa mga way para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Ito lang ang kaya ko sa ngayon. Ito lang ang puwede kong gawin.

Napahagulgol si Veny. "Bakit... Bakit ba kailangang mangyari 'to?" tanong niya sa pagitan ng pag-iyak. "Ginawa ko naman lahat... Bakit hindi pa rin siya nagbabago? Bakit 'yung... 'yung kapatid ko pa 'yung sinaktan niya..."

"God has a better plan," sagot ko naman habang hinahaplos ang buhok niya. "Siguro, hindi siya ang lalaki para sa 'yo. Siguro, mas marami pang deserving at naghihintay lang na mahalin mo. And maybe, nangyari 'to sa kapatid mo para ma-realize niyo ng mama mo kung ano'ng worth niya sa buhay niyo."

"This is crazy, Ruru. Bakit sa 'kin pa? Of all people, bakit kailangang ako pa ang i-challenge nang ganito?" "Minsan talaga, akala mo 'yung taong mahal mo na 'yung nakatadhana para sa yo pero hindi pala.

Minsan, all you have to do is to look around and find a better person who would never take you for granted," paanas kong sagot as I kept on caressing her hair.

Napapikit na rin ako gaya ng ginagawa ni Veny nang mga oras na 'yon. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit na makita siyang umiiyak. Ang masakit pa... Umiiyak para sa lalaking mahal niya ang babaeng mahal ko.

Kung kaya ko lang baguhin ang takbo ng kapalaran, gagawin ko ang lahat... mapunta lang sa 'kin ang babaeng mahal ko. Ang tanga-tanga ni Micko. Pinabayaan niyang masira ang relasyon nila. At isa lang ang pinapangako ko...

...Hinding-hindi ko na hahayaang balikan pa ni Micko ang babaing sinayang niya.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon