CHAPTER 35

4 3 0
                                    

Irish

HINDI ko mapigilan ang sarili kong maiyak sa sobrang inis. Sobra na ang ginagawa niya. Hindi naman ako bato para hindi makaramdam. Para siyang hindi lalaki. Para siyang walang pakialam sa iba. Napakasama ng ugali niya!

Hindi niyo pa ba ko kilala? Ako si Irish Hertzel Rivera. Kapatid ako ni Micko Rivera. Second year college na 'ko sa Adeleine University at sa kamalas-malasan, kaklase ko ang kapatid ni Ate Veny, si Richmond Apricot.

Ang Richmond na yata na yon ang pinakamasama sa lahat ng masama. He used to make my life a living hell. Walang-wala si Kuya Micko sa pagiging bully ng lalaking 'yon. Cursed him!

Noong isang araw, bigla niya na lang akong ipinahiya sa harap ng mga kaklase namin. Kung bakit at paano, hindi ko na rin matandaan. Basta ang alam ko lang, iyon na ang pinakamasakit na ginawa niya sa 'kin.

Pero meron pa pala.

Kahapon naman, itinulak niya 'ko sa hagdan. Masakit yun ah! Akala mo hindi babae ang ginanu'n niya! I was just asking for him to talk to me. From fourth step, down to last, dumire-diretso ako. Nagkapasa nga 'ko sa kaliwang binti eh. At masakit talaga siya, walang halong biro!

Kanina naman, iyon na yata ang pinakama na ginawa niya sa 'kin. That was one hell of an experience!

Nagtapat ako ng nararamdaman ko kay Richmond, hindi ko na kasi kaya. We've been classmates since high school at lagi niya kong inaasar Hindi ko naman alam na dahil sa kakaibang ugali ni eh, mai-in love ako sa kanya. Ewan ko ba. Nananalig ako na sana maging kagaya ng story nina Kuya Midi at Ate Veny ang story namin ni Richmond. Iniisip ko na baka secretly in love din pala siya sa 'kin.

But I was wrong.

Ipinahiya niya ako ulit and this time, sobra n 'yung ginawa niya.

"Mahal? Nababaliw ka na ba, Irish? Nakakadin Hindi mo yata alam 'yung sinasabi mo. You're crazy And, hell! Ikaw ang huling babaeng papangarapin at mamahalin ko!"

Lalo akong napaiyak. Ang sakit pala. Ang sakit-sakit. Ba't ganu'n siya? I thought kapag ginawa ko yun, mapapalambot ko na 'yung puso niya. He is a cassanova. Pero naniniwala akong magbabago rin siya gaya ng mga nababasa ko sa libro.

Akala ko, mahal niya rin ako. Well, mali pala.

Ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!

Naniniwala ako sa happy ending? Sa knight in

shining armor? Naniniwala ako na opposite attracts? Hell! Cursed that love! Hindi ko na ulit hahayaang maramdaman ng puso ko 'yung ganitong situation. It's killing me! Nahihirapan ako. Wala siyang puso!

Nasa stage ako ng pag-iyak nang biglang dumating si Kuya Micko. Kanina pa yata siya kumakatok sa kuwarto ko pero dahil iyak ako nang iyak, hindi na 'ko nagkaroon ng time para pagbuksan siya.

"Why the hell are you crying?!" nag-aalala pero galit na tanong ni Kuya nang makapasok siya sa kuwarto ko. I was caught in the act. Hindi ako makatanggi, hindi ako makapag-deny.

"Kuya..." Nag-breakdown na 'ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napayakap ako kay Kuya Micko. He was my only shock absorber. Siya lang ang puwede kong iyakan. Wala si Mommy, wala si Daddy. Si Kuya lang ang laging nasa tabi ko.

Narinig kong napabuntong-hininga si Kuya. Siguro, nagagalit na siya sa kung sino man ang may gawa nito sa kin. But he shouldn't. Kapatid ng babaeng pinakamamahal niya ang gumawa sa 'kin nito.

"Who made my baby sister cry like this?"

tanong ni Kuya in an angry voice. "Tell me, sino?!" "Si... Si Richmond, Kuya," I said in between my sobs. "I confessed my feelings. Hindi ko na kayang itago. Inamin ko na lahat, pero tinanggihan niya 'ko. Ipinahiya niya 'ko. Kuya... I did everything to make him fall for me. Ginawa ko lahat... Pero bato pa rin siya. Ang layu-layo niya kay Ate Veny."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong natakot nang maramdaman kong kumalas sa 'kin si Kuya Micko. "I'll make him pay for this."

"Wag, Kuya," pigil ko sabay hawak sa kamay ng kapatid ko. "Kapatid siya ng babaeng mahal mo. Baka magalit lang sa 'yo si Ate Veny. Hayaan mo na, please."

Kuya Micko gritted his teeth. "No, Irish. Si Richmond ang kailangan ko. He should pay for this. Hindi kita pinapaiyak. Itinuturing kang prinsesa ng pamilya natin. Wala siyang karapatang gawin 'to sa 'yo."

Tinanggal ni Kuya ang mga kamay ko na

nakahawak sa kanya and he left my room. Lalo akong napahagulgol. This will surely turn out to be great trouble.

Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon