Red's POV
GABI.
Gabi nanaman. Putakteng gabi yan! Tuwing gabi, inaalala ko ang mga dapat hindi nangyayare pero NANGYAYARE pa din!
UGH!!! Sino ba namang hindi mangangamba tuwing palubog ang araw makakatabi ko yung impakto na ASSHOLE na yun!! Shit! OO! Kahit dumating na yung mga crew, hindi na sya kumuha ng room na pagtutulugan nya. Nakasiksik at nakasiksik pa din!
"Rea! Wag ka na magulo.. Pareha tayong hindi makakatulog nitong ginagawa mo e.." I struggled, it means kislot ako ng kislot.. Hayy...
"Punyeta ka PARKER! Bubug-bugin na talaga kita bukas! UGHHH!!!" Hindi! Hindi ako papayag! This has to stop! Nawiwili na sya e!
"Bubug-bugin sa pagmamahal? I can't wait. But we need to sleep ha.. Tulog na mahal na prinsesa.." Ugh shit ka! Tarantado! Napatigil na ako, I heaved a deep sigh.. I closed my eyes..
Kahit inuunahan ko na sya sa loob ng kwarto at maglolock na, futa! Humingi ng duplicate ang halimaw! Worse part, ayaw nyang matulog sa lapag! Ito ang set up namin tuwing gabi, magtatalak ako. Mumurahin ko sya. In the end magkatabi pa din kami. Nakakaputi na ng mata tong hayop na to.
Ang pinakamalala?? Yung hindi ako makatulog ng maayos dahil merong presensya ng taong kulugo sa tabi ko! Seriously, limpak-limpak na eye bags ang meron ako!
But you know what's weird? I used to cry every night because of that shitty break up, but now... Hindi na, kasi all I think about is how I kill the guy beside me.. Then ending up very tired and ang ending nakatulog na lang ako..
---------------
UMAGA..
Nandito kami sa may pool area ng resort. Hinayaan muna namin yung crew na gawin yung trabaho nila. Alangan namang mag-mala aso ako sa kanila uli. Papahinga muna ako, leche sila.
Kasalukuyan akong nakahiga at nag susunbathing. Inabot ko ang news paper sa tabi ko at nagbasa ng pangyayare sa punyaterang bansang to. Huh... Alang pinagbago. Si Noynoy, ayun aso pa din ng America . Ang mga jejemon, nagpapatayan pa din. Ang mga artista, nagplaplastikan pa din. Grabe nakakadagdag lang sila sa Global Warming!
Basa.. Basaa... BOOM! May bago! MILK TEA, NAKAKAMATAY!
Yes! Madami na akong pagbibilhan ng milk tea. Kasama na tong lalaking humarang sa araw ko..
"Hoy! Asshole.. Ano ba?! Ang laki mong bulas dyan! Hindi mo ba nakikita na nagpapa-tan ako? MATA PLEASE! GAMITIN!!" Kakawindang talaga tong pakshet na to.
Umupo naman sya sa may katabing upuan ko.
"Grabe! Ang init!" Hiyaw nya sabay stretch ng kamay nya.
"Malamang! Katabi mo ako.. I'm so freakin' hot!" Sambit ko.. OO, HOT ako! Pag katabi kita magliliyab ka ng sobra..
BINABASA MO ANG
THE CHASE
Humor"Ang kalandian nya parang Ebola virus, WALANG LUNAS!" Si Red, ang babaeng gigil na gigil sa buhay nya dahil sa PAST niyang KAGIMBAL-GIMBAL at sa FUTURE niyang KATAE-TAE SA INIS... PERO NAKAKA-IHI DIN SA SOBRANG KILIG-- weh?! ANSABE?! Subaybayan ang...