Hayyy... Mall.. -_-Shopping here. Shopping there. Then lipat sa kabilang mall.
Lakad dito. Lakad duon.
Tingin dito. Tingin duon.
Hayyy.... Dahil sa bestfriend kong may saltik at syempre nanunulit lang ng bakasyon dito. Dahil ang sabi nya 1 week lang daw sya pinayagan ng mama nya. Kinailangan pa daw nyang lumuhod at umiyak ng dugo.. Well according to her that is... Then finally pumayag ang so called "Mother Dragon"....
Kaya heto kami pagala-gala sa kung saan-saan dito. I know na hindi naman nya kailangan mamili dito ng mga damit sa Pinas.. Kasi mas magaganda mga damit sa ibang bansa.. I know kaya naman na naglilibot kami para mawala ang stress ko at para makasama nya ako. Kasi whenever na lalabas sya at mamili ng mga damit nya sa ibang bansa e... Sobrang bored daw nya.. Mas masaya daw dito.. Kasama nya ako.
Awww! Nakakatats di ba? <3
Hahaha...
Anyway.... Nandito kami sa isang boutique kung saan nag susukat sya ng high heels.. Ako naman ay nakaupo lang dahil marami naman akong sapatos sa bahay... So sinasamahan ko lang sya dito....
"Hoy! Hindi ka ba mag susukat ng shoes at bumili manlang?" Tanong ni Kyle sakin.... Habang nag aantay ng sapatos na pinakuha dun sa mga staff..
Umikot ng pa-Heavenwards ang aking beautiful eyes.. "Tanong tanong ka pa... Eh nakikita mo ngang hindi di ba? Tss.." Irita kong sabi sakanya...
"Sungit." She whispered na nadinig ko naman. Sisitahin ko na sana sya nung dumating sapatos nya... I just watched her fit her shoes...
Pero may kakaiba akong naramdaman... Parang may nakatingin samin.. Pero mostly sakin.... Alam nyo yung feeling na may tao somewhere sa likod mo at nambibigat likod mo kase biglang naging sensitive kase parang may nanunuod sa inyo.... Creepy... Lilingon na sana ako sa likod ko ng
"Hello! Earth to Elise! Hi! Napapansin mo ba ako?" Winagayway nya ang kamay nya sa harapan ko.
Then I looked at Kyle.
"Ano ka ba naman? Kanina pa kita tinatawag! Tignan mo nga kung bagay sakin yung sapatos? Dali!" Sabi nya na excited.... Tsss. This girl...
Pinalakad ko sya sa harapan ko.. I said bagay naman then pumunta sya sa pinakadulo nung boutique dahil nandun yung cashier. May pila pa kaya medyo natatagalan sya.
Nagulat ako ng may biglang tumabi sakin sa kinauupuan ko. Nung nilingon ko sya...
Agad namang napataas ng bongga ang kilay kong napakaperfect ng pagkakabrush..... At ang mga mata kong magaganda ay agad naman ini-scan sya mula sa ulo nyang sandamukal ng kuto hanggang sa kuko nya sa paa na pagkapangit-pangit!
Medyo umusog ako palayo sakanya.. Syempree.. Alam nyo na.. Baka malaglagan ng kuto nya ang buhok ko! Tsss...! Alam ko namang wala sya.. Nanggigigil lang ako sa presensya nya! Hindi ko padin makalimutan ang ginawa nya kay Lolo!
Ugh! Nag flashback sa utak ko! Susuntukin ko na sana sya..
Kaso bigla nya akong nginisian at tinignan na parang naiirita syang makita ako.. As usual... Tss... Hindi nya ikina-ganda ang pagtaas ng kilay nya at pag-ngisi. Nagiging kamukha nya si Aura! Yung batang baklita sa Ang Probinsyano. Hindi din naman ako natutuwang makita tong Ulan na ito!
Tatayo na sana ako para iwan sya kaso.. Hinawakan nya ako sa braso para pigilan. Mahigpit. Pero syempre hindi naman ako weakling kaya sasapukin ko na sana sya ng magsalita sya...
"Before you hurt me... I'm the one who's gonna hurt you--" Sabi nya ng madiin bago ko sya sabatan..
"As if! Hahahaha! Nagpapatawa ka ba? Last time I remembered ikaw yung mukhang basahan nung huli nating pagkikita. Gusto mo ulitin ko ngayon? Baka nakakalimutan mo? Tanga ka pa man din!" I smirked at her sabay tanggal ng kamay nya sa braso ko at hugot ng alcohol sabay lagay sa braso ko kung saan nya ako hinawakan..
Iritang irita ang mukha nya sakin. Lalong lumawak ang ngiti ko. Hayop to! Akala ba nya masisindak nya ako? Ako?! Ako pa ang hinamon nya?!
"Look bitch! I don't think YOU should be do the threatening right now! It's me!" Diniin nya ang "YOU"
Tsss.
Bago pa ako makapag salita inunahan nanaman nya ako! Bwisit talaga to! Konting-konti na lang at uumbagin ko na ang bagang nito!
"I know what you did in that restaurant. Also that little scene outside... You. Terrence. Ring a bell?" It's time for her to smirk. Psh! Hindi bagay! Para syang mga clowns sa horror movie na nakangiti. Hindi bagay.
Tinaasan ko lang sya ng kilay.
Nag salita ulit sya.. Haynako puro naman satsat tong gagang to!
"Magmaang-maangan ka pa bitch! I know you're hiding something. If you think kaya mong agawin si Alfred sakin. No! Hindi nya alam ang mga schemes mo! You think panalo ka?! No! Akin sya! I'm keeping my eyes on you! If the right time comes.. I'll ruin you. He'll be mine again!" Ngiting tagumpay na ang umukit sa mukha nya. As if she had the upper hand.
Stupid lunatic! If she only knows na matagal nang alam ni Jared na nagkaron kami ng past ni Terrence. Stupid! Pero hindi pa alam ni Jared ang nangyaring pagtatapat ni Terrence sakin. I didn't had a chance to talk to him lately kasi busy ako kay Kyle... Hindi ko rin nare-replyan texts nya. He calls pero missed calls lang. I didn't get a chance to call him back kase I was busy and stressed.
Pero natatawa ako talaga sa bruha na ito. She doesn't know a single shit about what's happening. Pero at the same time naiinis ako. Kasi pino-proclaim nya na sakanya si Jared! Maka second name basis pa nga ang punyeta! Edi sige! Kayo na ang close!
Nagiinit dugo ko! Hayop na ito!
"Ang tanga-tanga mo! Hindi mo pa nga alam ang buong pangyayari nagco-conclude ka kagad. Just so you know? Hindi sayo si Jared! Hinding-hindi sya magiging sayo! Wala kang karapatang angkinin ang isang taong malaya! Umalis ka na sa harapan ko at baka hindi ko matantya yang baho ng bunganga mo at maitarak ko lahat ng heels dito sa leeg at bibig mong mala-imburnal! By the way! Bago ka kumiri at magpapansin uso mag toothbrush! Uso din ang mouthwash! Kung ayaw mo, please lang! Ngumatngat ka na lang ng menthol candy! Dahil sayo nadadagdagan ang air pollution at lalong numinipis ang Ozone Layer sa sobrang tindi ng BAD BREATH MO!" Mahabang litanya ko sakanya. Dahil seriously! Kanina pa ako nagpipigil ng hininga dito! Maawa naman sya saakin at sa sambayanang Pilipino! Hindi na makatao ang ginagawa nya sa paligid! Nakakapinsala na sya.
Tumayo na ako.. Nung medyo makalayo ako sakanya at malapit na ako sa counter ng cashier... Huminga ako ng malalim. Para bang isang buwan akong hindi huminga.. Tsss...
Nilingon ko ang pwesto ko kanina.. Thank you naman at lumayas na din sya. I just hope na bumili man lang sya ng candy..
Hayy nakaka stress sya!
Buti na lang at natapos na magbayad si Kyle at lumayas na kami sa Mall na iyon at lumipat sa ibang lugar.
Seriously. That. Bad Breath.

BINABASA MO ANG
THE CHASE
Humor"Ang kalandian nya parang Ebola virus, WALANG LUNAS!" Si Red, ang babaeng gigil na gigil sa buhay nya dahil sa PAST niyang KAGIMBAL-GIMBAL at sa FUTURE niyang KATAE-TAE SA INIS... PERO NAKAKA-IHI DIN SA SOBRANG KILIG-- weh?! ANSABE?! Subaybayan ang...