Red's POV
Nagimpake na ako kagabe pagtapos ko kausapin si Jane Gaga, kesa naman mahiga ako.
Hindi ako makatulog, at pag hindi ako makatulog I start to think.
One thing only comes to my mind when I think, the three years of stupidity. I can't believe na nakalipas na ang 5 months since the break up hindi pa din ako maka move-on.
Come on guys, tatlong taon kayo magkasama, within 5 months ba malilimutan nyo lahat yoon? Kaya nagimpake na lang ako. I tried to consider yung suggestion ni Jane, atleast once sumunod ako sa isang taong hindi si Tita. Trust me, si Tita lang ang sinusunod ko kasi di ba I don't want to lose my job.
Ngayon pababa na ako ng bahay. I saw Lolo eating breakfast. He smiled when he saw me. "Elise hija, good morning. Mukhang may pupuntahan tayo ah. Vacation?"
"Nope Gramps. Work." I sat down the table and ate breakfast with him.
"As usual, expected from my grand daughter. Don't you ever think of your happiness? I mean it's been 5 months hija, hindi ka pa ba naka move-on sakanya?" Oo, nakikitsismis yang si Lolo sa love life ko.
"Hayy Gramps, wag nyo nga banggitin yan. Kumakain tayo e! Nakakasuka at nakakapanira ng araw! I actually want to have fun on this trip even though this is for work. I'll prioritize my work first then have fun. That's final." Yup, top priority ko pa din ang trabaho.
"Well, lumulevel -up ka ng gaga ka ah.. I'm proud.. " OO! Tinawag ako ng sarili kong lolo ng 'gaga', Ganyan kasi sila mag usap ni lola and ngayon akong paborito nyang apo. Kaya para na kaming mag katropa.
So ayun nagkwentuhan kami ni Gramps. Nang biglang-
*DING DOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOONG
Nakita ko na tumakbo si Bebeng (katulong) papuntang pinto. "Ma'am Reeeeeed! May bisita po kayooo!! Hinahanap ka ng isang gwapong nilalang!!"
Ugh! Ang ingay talaga! Sino nanaman nandidistorbo sakin habang kumakain ako?!!! Tumayo ako at lumapit kay Bebeng.
"Hoy! Dinaig mo barena! Ang lakas-lakas ng boses mong leche ka! Wala ka sa palengke! Pwede ba!" Umagang-umaga e
"Eh kase naman Ma'am may naghahanap sa inyo! Ayun sya oh!" Sabay turo sa pinto at napanganga ako
Hindi dahil ang angas nyang tignan sa suot nya, ang pressskoo! Kundi dahil kung sino sya mismo!
"Oh! Takpan mo yang bibig mo! Baka gusto mong saluhin ko pa yung laway mo, mahiya ka naman." Sabay ngiti nya ng painosente nanaman! ughh! That smile! Damn that cute smile!
"Pwede ba, wag kang assuming! Bakit ka nandito! To think na kumakain ako at nang iistorbo ka nanaman! Bakit ba tuwing kumakain ako lagi kang nakikiepal?! Paano mo nalaman ang bahay ko??" Nakakapanggigil na to!
"Hindi ako assuming sadyang totoo lang." Hinipo nya yung gilid ng labi ko sa may bandang ibaba at tila may pinunasan. "Yaan, wala na, at may pagkain? Penge ako." Pumasok sya bigla ng walang pakundangan, nilampasan ang kagandahan ko at dumiretso sa kainan! ABA! GAGO!

BINABASA MO ANG
THE CHASE
Humor"Ang kalandian nya parang Ebola virus, WALANG LUNAS!" Si Red, ang babaeng gigil na gigil sa buhay nya dahil sa PAST niyang KAGIMBAL-GIMBAL at sa FUTURE niyang KATAE-TAE SA INIS... PERO NAKAKA-IHI DIN SA SOBRANG KILIG-- weh?! ANSABE?! Subaybayan ang...