28TH RUNNER- Anyare Sa Dessert?!

29 2 0
                                    

Red's POV


Hmmmm.. Ano ba yan! Ang liwanag naman. Pucha naman oh! Minulat ko ng konting yung mga mata kong maganda na may muta muta pa. Pag tingin ko sa tabi ko hindi ko nakita si Asshole. Napahawak ako sa short ko. Nakahinga ako ng maluwang. Nakasuot pa naman.

I know. I know. Sabi ko na alam kong wala naman syang gagawin sakin pero hindi naman ako masasaktan pag nanigurado, di ba?

Bigla akong na-distract sa amoy na pumapasok sa loob ng kwarto. Hmmmmm.. Saraaap!!!

Tumayo ako at lumabas ng kwarto at nakita ko syang nagluluto ng pagkain. Tangina! Likod pa lang nya ulam na! Bat nag luluto pa sya?!

Ayyynako Red! Utak ha! Makamundong pagnanasa nanaman!

Umupo na ako sa lamesa at inintay ko syang matapos. Knowing him, alam kong alam nyang gising na ako. Humarap sya sakin at nilapag ang napagkasasarap na pagkain. Impernees!!!! Kahit lalaki sya marunong magluto. Saraap lang.

Kumain na ako. Nagulat ako ng bigla nya akong tabihan sa upuan. "Ano ba?! Dun ka oh! Bat ba siksik ka ng siksik dito leche ka!" Dutdot ko ssa muscles nya para tumayo na sya.

"Naku! Rea! Yang kadudutdot mo sakin ha! Chansing ka! Aminin!" Kantyaw nya sakin

Tinigilan ko kakapaalis sakanya at humawak ng mahigpit sa lamesa. "Yung tipong mapapakapit na lang ako sa lamesa para hindi ako hanginin ng bagyo mo! Nakuuu!!!! Bagay talaga kayo nung bespren mong hilaw! Sya ulan at ikaw hangin!" Sabi ko sakanya at napa-heavenwards ang mata ko.

Narinig kong tumawa sya. " Selos ka nanaman?" Sabay kurot sa pisngi ko na agad ko namang tinampal yung kamay nya. Bwisit eh. Hindi na ako sumagot. Bwisit eh! Hinayaan ko na lang sya na kumain sa tabi ko.

Nang matapos na kami, kinuha ko na yung mga damit kong tuyo na at naligo. Sya naman ang sumunod sakin at ihahatid nya daw ako sa mansion. Whatever.

Nang makarating na kami sa mansion, agad naman akong sinalubong ni Gramps ng yakap at pagkatapos, wala na! Nakita na nya si Jared at si Jared na ang inintindi nya.. Haynakoo! May favoritism talagang nangyayare dito. Lintek!

Umakyat ako sa kwarto ko at naligo ulit at nag bihis ng panibago. Sobrang hot ko kasi kaya hindi ako nilalamig sa pagligo. Bat ba? Aangal ka nanaman?! Nakooo!! Magbasa ka na lang.

Nang matapos ako. Bumaba na ako, sabi ni Gramps umalis si Jared at may ka-meeting daw. If I know kikitain lang nya yung Ulan. Bwisit.

Umalis na ako at pumunta ng opisina. Wala, ganun lang din ang scenario. Work, work, and work lang. Buti't hindi ko pa nakikita yung Ulan ngayon. Baka mabangasan ko lang mukha nun e. Si Asshole din, hindi ko pa nakikita. Sabi na nga ba e! Magkasama nanaman yung mga lintek na yun e.

Eh paki mo ba? Selos ang lola nyo!

HINDE! HINDE AKO NAGSESELOS! BAHALA SILA SA BUHAY NILA. MAGHALIKAN SILA DYAN, SEE IF I FUCKING CARE!

G na G??? Galit na na galit?! Baka balibag mo sakanila yung Planetang Earth isama mo pa yung Mars at Venus!?

Napapa ikot na lang ako ng mata. Makakain na nga lang. Nakakastress silang isipin!

Bakit kasi iniisip mo?!

Isa pa tong utak ko! Ayaw manahimik.

Saktong pagbukas ko ng pinto-- BOOOGSH!

Joke lang. Mahina lang yung tunog.

"Aray sakit ah!" Sabi nya. Nagulat ako. Nakahawak sya sa ilong nya na natamaan ko ng pinto nung pagbukas ko ng pintuan.

THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon