29TH RUNNER- Songs

22 1 0
                                    

Red's POV

- >' Cause I'm so sick of love songs, so tired of tears.

Parehas pala kami nitong si Ne-yo. Pagod na. Pagod ng umiyak. Pagod ng masaktan.

So done with wishin' you were still here.

Hayyyyy.. Ayoko naman talagang nandito yun e. Ayos na e. Bumalik ka pa.

*Tok *Tok
May kumakatok sa pinto. Paki ko.

Natapos na ang kanta. May panibagong nag play. Naka shuffle kase.

->You lost the love I love the most.

Tama yan. Totoo naman. Naiintindihan din ako ni Christina Perri.

*Tok *Tok
Wag mo na lang pansinin Red. Maid lang yan.

I learned to live half alive, and now you want me one more time.

Tarantado ka Terrence. Nawala ka na nga babalik ka pa! Para ano? Para gaguhin lang ako?!

Who do you think you are running around leaving scars. Collecting your jar of hearts and tearing love apart.

Tangina mo! *Sniff* *Sniff* Lecheng sipon to oh! Malipat na nga! Pinindot ko yung next at nilapag ko yung phone sa gilid ko.

*Tok *Tok *Tok *Tok

Di ko pinansin yung katok.

->You only need the light when it's burnin' low. You only miss the sun when it starts to snow.

OO! Kailangan mo lang ako. OO.... Kung kelan wala na ako, saka mo ko babalikan.

*Tok *Tok *Tok *Tok

Tangina! Ibabato ko na tong telepono ko!!! Kala ko ayos na yung kanta!

Bumangon ako sa pagkakahiga ko! Lahat ng pwersang natitira sa akin ay inipon ko at ibinato ko yung cellphone sa pinto!

*BLAAAAG!

"Aray! Putangina mo talaga Elise! Kung kelan ako umuwe! Sasaktan mo pa ako!!!! Hayop ka--!!" Napahinto sya sa pagsigaw nya dahil imbis na sa pinto tumama yung cellphone ko. Sakanya tumama... Dahil siguro sa pag bukas nya ng pinto.

Napahagulgol na lang ako. Sa boses nya. Sa mukha nya. Na-miss ko sya grabe! Shit! Andito na sya!

Nakita kong napatigil sya at nanlaki ang mga matang nakatingin sakin. Binagsak nya lahat ng bag na dala nya at tumakbo papunta sa bed ko. Papunta sakin.

Dinamba nya ako ng yakap. Umiyak na lang ako lalo sa maliit nyang bisig. Ang bango nya. Amoy syang rosas. Inakap ko sya pabalik. Ang liit pa rin ng figure nya. Na overwork ata to sa abroad.

"Shhh.. Ilabas mo na yan. Basta kung sino man yang iniiyakan mo.. Promise mo na hindi mo na sya iiyakan ulit. Ilabas mo na lahat ngayon. Nandito na ako." Bulong nya sakin.

Lalo akong napapaluha sa pagcocomfort nya sakin e. Namiss ko talaga sya. Ang tagal  kong hintay na makayakap tong taong to! Bwisit kase e! Nasa ibang bansa sya e!

"Hayyy.. Kung kelan kita bibisitahin saka kita madadatnang umiiyak tapos ang welcome party mo pa para sakin isang masakit na cellphone? Leche ka talaga! Kung hindi ka lang talaga umiiyak ngayon kanina pa kita binato ng mga bag ko!"  Banggit pa nya.

Napatawa ako. Pinalo ko yung braso nya. Narinig ko yung mahinang tawa nya.

Hayyy.. Buti na lang.. Andito na sya.

I sighed.

Hayyyy.... So heavy naman this day. Buti na lang napapasaya nya akooo..

-----------------------------------------------------------

Short Update!

mwahahahaa!!!!!



THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon