Red's POV
ARGHHHHHH! PUNYETA NAPAKA INIT!
Nasa Tagaytay ako ngayon at inaasikaso ang mga lintek na maarteng mga model na to, para sa latest cover magazine. Tinatanong nyo na VP-echos ako bakit nag-fifield work ako? Kase naman si tita!
Siya ang nagpagawa nito saakin. Buntis daw yung organizer at ang nakakabuset pa ang mga salitang ...
"Red hija, napansin ko lately that you're just sitting in that chair of yours, typing, breathing, and eating carbs non-stop! You should get out more! Nabubulok ka sa opisina mo, and while doing all those things hina-harass mo yung mga workers natin! GOD! Anong gagawain ko sayo? Pati ba naman ang pagtataray at pagiging bayolente mo habang nagtratrabaho ka, ay proproblemahin ko?!! Seriously multi-tasking sa pagiging bitch?! So I'm putting you on field work, since buntis ang organizer ikaw muna ang replacement nya. Do this and I might consider you as a good employee and VP in my company, that you deserve to be in that position. Maybe, you'll learn to treat others well. Wag kang umangal, love me or hate me.. Gagawin mo to or I'LL FIRE YOU. End of conversation, good day."
GOOD DAY?! GOOD DAY NYA MUKHA NYA! PUNYETA?!! LAHAT NG PAGHIHIRAP KO! STILL, HINDI pa rin ako WORTHY sa pwesto ko?!
LECHE! Madami akong pinagdaanan para makarating sa posisyon ko, tapos itatapon nya ako sa pagiging organizer?! I mean, hindi naman daw nawala sakin yung posisyon, I'm still the VP of the company kaso nga lang ang trabaho ko ngayon yung trabaho nung malanding organizer, okay overboard na yun.
Pero, PUTA! Just because mataray ako? Ruining lives is my hobby and forté, aside from working ito na lang ang 'fun' para sakin! Pati pagkain ko pinakekealaman! Grabe wala din magawa si tita e!
Kung ITO ang kahahantungan ko edi sana nag artista na lang ako! Hinding-hindi malalaos ang ganda ko!
GRABE! But I love my job! Ito na lang ang meron ako! Walang boyfriend, walang crush, at wala din kahit fling lang! Tae dinaig ako ng mga panget, sila may syota ako wala! UGH! I don't need shit! JOB IS LOVE!
"Hey Kuya! Ilagay mo yan dun, ayusin mo ah!" "Dyan sige iasog mo dyan." "Hey, buhatin mo yan papunta doon." Oo, ang mga tao dito ang pinagbubuhat ko ng mga props para sa photo shoot ng mga lintek na model nato. Hindi ako maskulado para magbuhat ng mabibigat, at trabaho nila yan.
"Excuse me, Jeff. Naayusan mo na ba yang mga model na yan?" make-up artist ng mga model yan.
"Hay na ko sister! Oo, ang gaganda nila. Ready to gora na sila." grabe makadikit tong baklang to.
"Wag kang dumikit saakin, malagkit ka at mainit." Iniwan ko na sya don, and I know umirap yung baklang hilaw na yon, as if I care, kinabog ko sya sa ganda ko. Hmpph!
"Hey! Position! Let's get this over with! Take the damn pictures, so I can go home! It's fucking hot! Don't you all agree?!" Oo, paimportante na ako, pero ang init eh! Gutom na gutom na din ako! Nag agree naman yung iba, kase sino ba namang hindi maiinitan e walang silong yung pinagshu-shootan.
So ayun, nagpicture picture na at kung ano-anong kabalbalan ang pinagagawa nila.
*KRUUUUU*
Tae! Gutom na talaga ako!
"Hey, Mister Photographer. Matatapos na ba? " I don't know his name, at wala akong balak alamin.
"A couple of shots nalang and it's over." He gave me a smile, I gave him a glare. E kung nagpipicture na kaya sya, kesa ngiti ng ngiti dyan!
*click* *click* *KRUUUUUU*
UGH! tae talaga, nagugutom na ko.
*STAAAAARE*
-_- Seryoso, ngayon lang sila nakadinig na kumakalam na sikmura?
"What? pa-innocent type kayong lahat? E kung nagtratrabaho kaya kayo edi sana kanina pa tayo tapos at hindi kayo nguma-nganga sa kagandahan ko, edi sana hindi ako nagugutom di ba? Ano tatanga pa rin ba?" Grabeeee! Punyeta, ang kukupad!
Ayan, edi nagtrabaho din sila.. Nganga pa e!
-------------------------------------
SA WAKAS! PUNYETA! TAENG-TAE NA KO SA GUTOM! UGH!
So ayun, nagliligpit na sila, and I'm checking if kumpleto na lahat ng mga gamit, tao, etc. Grabe, para akong katulong ugh!
"Ma'am Red, may sasakyan po kayo? Sabay po kayo saamin." Sabi nung P.A nung isang model, huwaw! Dinaig nya ako, ako nga walang alalay e! Whatever, spoiled bitches!
"No need, ayoko mahawaan ng kaartehan ng mga amo mo. Thanks though." Oh di ba, mabait naman ako! ARGH! TITA!
Sumakay na ako sa kotse at pinaharurot ito ng mabilis shet! Kailangan ko na kumain, luluwa na mata ko sa gutom! Matakaw na kung matakaw, mas okay masabihan nyan kesa magutom ako!----
*Screeeeeech*
FUCK! Ano to! ANAK NG TINAPA NAMAN EH! Kung kelan gutom e!
Bumaba ako para tignan, and puta! Umuusok, shet! Nakalimutan ko ipa-check! Ugh! Tapos ang init pa, malamang overheat to! Tumawag ako ng service at sabi nila kukunin na lang daw nila, mga 4 pa sila makakapunta. Pota! 11 pa lang! Tapos talagang sa daan tumigil, walang puno!
INIT! GUTOM NA AKO!
I'm so desperate, nag-abang ako ng ng bus papuntang Manila. This day is the worst! Pagsakay ko, buti na lang naka-upo ako sa may bintana. FUCK! I'm so tired, itutulog ko na lahat ng gutom ko.
"hmm." Ahh.. Tae nasa bus pala ako, tinignan ko yung daan medyo malapit na.
Hinawi ko yung kurtina. Traffic pa. *KRUUUU* Taena! Nagugutom na ako, 1 na ng tanghali, hindi pa ako kumakain!
Tumingin na lang ako sa bintana para malimutan ko yung gutom ko. Pag tingin ko, merong Hummer na kotse na katabi yung bus.. Nakababa yung bintana nya. Tinignan ko yung loob, tanaw naman mula sa bus e, tapos may lalakeng nakatingin sa daan. Naka-shades sya, and tumingin sya sa direksyon ko, binaba nya yung shades nya, at kumindat sakin. Seriously, gwapo sya kundi lang malandi.
He gave me this adorable and innocent smile.
He's honestly cute, parang bata na nagpapacute. Pero wait!! Ugh, ayoko sa malande, so I gave him the middle finger and smirk. I saw his priceless face, bago pa sya makarecover, hinawi ko na ulit yung kurtina. Baka gumanti e.
Hahaha, atleast nakatawa ako ngayon. Kawawa naman sya hahaha, ala e.. Gutom ako, gigil ako sa sasakyan, pagod, at gutom! Napagtripan, haha landi landi kase e..
Gusto ni tita baguhin ako, hmpp! NO WAY IN HELL! Hindi na ako magbabago para kanino. Last time I did that, I ended up crying every night and up until now. I won't let anyone fuck with my life anymore.
BINABASA MO ANG
THE CHASE
Humor"Ang kalandian nya parang Ebola virus, WALANG LUNAS!" Si Red, ang babaeng gigil na gigil sa buhay nya dahil sa PAST niyang KAGIMBAL-GIMBAL at sa FUTURE niyang KATAE-TAE SA INIS... PERO NAKAKA-IHI DIN SA SOBRANG KILIG-- weh?! ANSABE?! Subaybayan ang...