Red's POV
Nangmakarating na kami sa loob ng conference room.. Mukha agad ng mga stockholder ang sumalubong sa akin.
Hindi pwedeng baliwalain ang meeting na ito.
Andito si Terrence at si Jared.
Pero ang pinagtataka ko.. Bakit andito yung babaeng payaso?
What I mean is, ilang araw ko na nakikita yan leche na yan dito sa opisina.. Anong role nya dito??
Nakakapagtaka, Hindi ba?
I sat down and Tita explained some information about the meeting.
Biglang tumayo si Leche nung pagkatapos ni Tita mag explain..
Nagdada sya sa harapan.. Paki alam ko sakanya.
I was staring daggers at this shitty girl..
Red! Ano ba?! Bat G na G?! Gigil na gigil?!
I didn't mind that tiny voice in my head and continued to kill her in my head. I know.. Very mean.
"Hi everyone! I'm Rain Smith. I know that some of you are still wondering what the hell am I doing here, right?" Sabi ni impaktita.
Oo nga, I'm wondering why the fuck are you still here eh kung sa hell ka nanggaling? Bwisit! Pinauulanan ko na ng bala sa utak ko tong babaeng to! Mamaya mag-ala Probinsyano ako dito, daigin ko pa si Coco Martin at FPJ e!
"It's simple. Kasi, I'm like the daughter ng isa sa mga stockholders sa Baler Project eh. Hihihi.."
Tangina, nakakadiri yung tawa nya.
"TBH, andito din kasi yung bestfriend ko na si Alfred." Tinignan nya si Jared at pumikit-pikit pa. Ayynako! Konti na lang hahambalusin ko na to.
Ito namang si Jared patay malisya lang. Samantalang ako, bitchmode na sa upuan ko. Haaay nakooo..
"So? Is that enough reason for you to be loitering around this respected building and office? Hindi ba dapat ang dad mo ang nasa meeting na ito at hindi ikaw?" I asked her, totoo naman kase.
Pakalat-kalat sya dito. Wala naman syang naitutulong na maganda. Hindi tambayan ang opisina na ito.
I saw her face flushed. Nahihiya sya dahil totoo. Wala syang maisagot, dahil totoong ginagawa nyang tamabayan to at nakikipaglandian kay Jared. Muntik ko na masabi ito sa mukha nya kundi lang sa nakakamatay na tingin ni Tita.
Pero hindi ko inaasahang sasagot pa si Bagyo.
"Be-because dad has a lot of things to do kaya ako ang representative nya tuwing may meetings dito." Kabado nyang sagot sakin. 'Cmon mamon. Asan napunta yung confidence nya nung nasa elevator kami?
"Representative sa meetings? Hindi naman araw-araw my meetings. Pero bakit ka laging andito?" I'm sure by now alam nyong certified bitch ako. Kahit maliit na bagay ito, palalakihin ko.

BINABASA MO ANG
THE CHASE
Humor"Ang kalandian nya parang Ebola virus, WALANG LUNAS!" Si Red, ang babaeng gigil na gigil sa buhay nya dahil sa PAST niyang KAGIMBAL-GIMBAL at sa FUTURE niyang KATAE-TAE SA INIS... PERO NAKAKA-IHI DIN SA SOBRANG KILIG-- weh?! ANSABE?! Subaybayan ang...