27TH RUNNER- Teleserye

20 2 0
                                    

Red's POV

After nung kadramahan sa ilalim ng ulan. Pumunta kami sa condo ni Asshole dahil ito ang pinakamalapit na lugar dun sa coffee shop kanina. 


Lumakas din ang ulan. Tae, ngayon ko lang narealize na basang-basa kami puki-nae-nae naman!


Andito ako ngayon sa banyo at naliligo. Pakapalan na ng mukha. Ayokong magkasakit.


 Inilagay ko na sa dryer yung mga damit ko. Pinahiram nya ako ng t-shirt at shorts. Pagkatapos kong maligo sya naman ang sumunod sakin. 


Nagtext na din ako kay Gramps na hindi ako makakauwi at nandito ako kila Jared magsta-stay muna. Sobrang lakas ng ulan. Bukas na ako uuwi. Tsaka makipag dramahan ka kaya sa gitna ng ulan, sinong hindi mapapagod?


Alam nyo naman makapal ang mukha ko kaya nag luto na akong ng adobo dahil sobrang kumakalam ang tyan ko. Paki ko ba?! Kung hindi nya ako hinabol-habol at guamwa ng eksena sa gitna ng ulan edi sana nakauwi na ako at lumalamon diba? 


Nilagay ko na yung ulam sa plato at sumasandok na akong ng kanin ko nang 


"Asawang-asawa ang dating mo ah." Nagulat ako nung bigla syang magsalita mula sa likod. 


Humarap ako sakanya at I raised my middle finger at him. Imbyerna e. Pinagpatuloy ko ang pagsandok na bagong saing. Oo, nag saing na din ako.


Pagharap ko sakanya natawa lang sya sa nakita nya sa plato ko. Anong problema nitong hayop nato? Porket gabundok yung kanin tatawanan na? May sayad talaga to.


"Dinaig mo pa kargador sa kanin pa lang ah! Hahaha!" Tawa pa nya, nilagpasan ko lang naman sya at umupo sa couch at nag bukas ng tv. Kung feel at home sya sa mansion namin, aba! 


Maya karapatan din naman ako magpakasasa sa condo nya. With matching taas paa pa sa coffee table yan.


Panonoodin ko na nga lang tong mga artistang iyakan ng iyakan. Tae naman tong si Yna! Ngalngal ng ngalngal dahil lalayo kay Angelo. Manong magtanan na lang. Mas nakakaenjoy panoorin si Claudia at si Amor magsampalan e. May thrill.


Naramdaman kong tumabi na sakin si Asshole na may hawak na pagkain. Nanonood lang din kami.


Maya-maya tumayo ako para kumuha ng ulam at kanin at tubig na din. Mahirap na baka mairingan ako sa pinag gagawa ni Yna sa buhay nya. 


Pagkabalik ko sa couch tuloy lang ang pagkain ko. Nakita kong uminom sa baso ko si Jared. Hinayaan ko lang. Baka hindi din kinakaya yung kadramahan ni Angelo. 


Nung ako na ang iinom, wala ng tubig. Siniko ko yung katabi ko, bwisit e.


"Kumuha ka ng tubig, dalin mo na yung pitsel. Nakakahiya naman kasi sayo e!" Sambit ko sakanya. Wala na syang nagawa at tumayo. Kinuha na din nya yung kaldero at yung ulam. Buti naman. Nakakatamad tumayo.

THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon