26TH RUNNER- Pouring Rain

21 2 0
                                    

Red's POV

Andito ako ngayon sa coffee shop.

Kakagaling ko lang ng ospital at binisita ko si Jane. 


Nakapanganak na sya noong pabalik na kami from Baler. Remember her? Sya yung malanding organizer na pinalitan ko? Hindi naman sya malandi talaga. 


Tawag ko lang sakanya ang term na "Landi". Ganun talaga. Parang palayaw ko sakanya. Ok lang naman sakanya.


Anyway, nasa ospital pa din sya at nagpapahinga at ayaw pa sya ipa-discharge ng doctor. Para daw sure. Malay ko ba. Di naman ako doctor. 


Palabas naman na din sya next week. Ibinalik na din ni Tita ang titolong organizer sakanya. So balik VP na lang ang titolo ko. Happy naman ako.


Kung nagtataka kayo kung ano ang gender at pangalan ng anak ni Jane at ni Tito Gio. Well it's a girl. Her name is Valentine Rose Quinn.


Yep Quinn. Quinn ang apilyedo ni Gramps. Kaya Dela Cruz ako dahil sa apilyedo ni dad. Malinaw na ba?? Baka nalalabuan ka pa? Katarata na ang kailangan mo teh!


Back to the baby. Ayun maganda. Mahaba ang pilik mata. Inggit ako. Ang cute ng cheeks nya e. So fluffy. 


Oo, nakaka-appreciate naman ako ng ganda noh. Tsaka ok lang puriin ang bata. Hindi nakakamatay.


Back to the present.


Wow ha! Kulang na lang back to the future! Grabe!! Kakaimbryerna!


Shut up nga! Nung sa isang chapter ka pa sapaw e! Imbyerna!


Pumunta ako dito sa coffee shop para makapag relax. Sa totoo lang bored na bored ako sa bahay. Wala ako sa mood magmaldita ngayon. Kaya pumunta ako dito para sa mga sweets na binebenta nila. 


Matakaw na kung matakaw!


Habang kumakain, nililibot ko yung mga mata ko. Naiirita ako.


Karamihan kasi estudyante.


 Ano ba naman tong mga leche na ito! Alam nyo yung eksenang may mga students na pupunta sa coffee shop at mag-aaral kuno. Pero lamon naman ng lamon. Minsan may mga hawak pa na libro. 


Nakakairita! Sa totoo lang, paano ka makakapag-review kung kumakain ka at may background music yung coffee shop di ba? Paano ka makaka-concentrate? What? Masabi lang na nag-aaral or nagmu-multi-tasking ka? Teh? Kumain ka kaya muna saka ka mag-aral. 


Gets ko pa yung mga may dalang laptop at tatambay sa coffee shop e. Bakit? Malamang free wifi o kaya mag rerelax at gumawa ng kung ano man ang gagawin nila sa buhay nila.


Hayy, Pilipinas nga naman. 


Pinag patuloy ko na lang kumain. 

THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon