4th RUNNER - The Asshole

38 2 0
                                        

Red's POV

Kahit na replacement lang ako dun sa organizer naming buntis, e VP pa rin ako, so pumasok ako ng maaga ngayon para pumunta sa office. Baka nangialam nanaman si Tita sa mga projects ko.

Pagpasok ko andun si Tita sa upuan kong di-ikot at nagangalikot ng kung ano-ano.

"Tita, wag kang pakialamera. You are the owner of  a very famous and influential company and here you are searching through MY shit." Nagulat sya nung bigla akong nagsalita, ayoko sa lahat pinakikialaman ang gamit ko.


She stood up and composed herself, huli na nga sa akto nagmamaganda pa. Hayy Tita!


"I'm not doing anything." Patay-malisya pa. Sige ano pa.. "Besides I have the right, kakasabi mo lang na I'm the owner of this company so why can't I look over my VP's slash Niece's stuff. " Nag pout pa, tsk tsk.


"Bakit nga, anong meron sa mga gamit ko at tinitignan mo?"   kaasar na e..


"I give up, don't bitch me out, don't forget your place as my niece and my VP. Wala lang, I just thought that you're kind of lonely, and I never got you anything for your birthday.. So.. I looked at your stuff and thought that I might get any idea what you want." awww, ganun naman pala, mukha namang sincere si Tita.


"I don't need anything. Don't worry about it. Hindi na ako bata para bigyan ng regalo. All I need you to do is get me out of the 'organizer job' and replace it with another person."   Oo, medyo asar pa din ako sakanya dahil dun, kaya ganyan ang bungad ko sakanya.


"Hilingin mo na ang lahat, wag lang yan. Can't you see I'm trying to look after you, soon you'll thank me."   She patted my shoulder, and went for the door. I knew it, well it was worth the try diba?


Nasa pinto na sya ng bigla syang tumalikod at nagsalita "Nga pala, go to my office mamayang lunch, kase as the organizer and VP I want you to meet someone. You're going to work with him for a while."


I rolled my eyes and she exited the office! POTA!!! I'm still stuck with the "Organizer" title! Shit! Buti na lang talaga I get to keep the VP position.

-------------------

PUNYETA! LECHE! 12 na at nagaantay kami ni Tita sa opisina nya, dun sa ipapakilala nya daw sakin! 

E POTA! Namumuti na yung mata ko kakaantay, at yung sikmura ko kumakalam na. Bawal naman kumain habang nagaantay, "RUDE" daw kase, baka biglang pumasok tapos ngumangata ako ng pagkain, nakakahiya daw. Kaya ganyan si tita, kase nakakain na.


E kung alam ko lang sana na pa-importante yung papakilala ni Tita edi sana hanggang nagyon lumalamon ako, edi sana hindi kumakalam sikmura ko.


*Kruuuuuuuu *Kruuuuuu


"Ayoko na! Hindi ko na kaya! Aalis na ako, kung hindi mo ko papayagan kumain dito. Kakain ako sa labas! Ako naman ang mag papa-bebe, para pagdating nya at wala pa ako maramdaman nya yung pakiramdam ko na maghintay! Baka nga lumalamon na yon ngayon!" Hindi ko na kaya! Kahit maging organizer ako ng ilang buwan, wag lang akong ginugutom!

THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon