32nd RUNNER- Di Matiis

6 1 0
                                    

*Red's POV*

Ngayong approximately 2 days na dito si Kyle sa Pinas...

Well.. pinepeste nya ako!!

Letse!

Tumataas ang presyon ko!

Ang dahilan lang naman ay....

"Ano ba Elise?! HA?! Kailan mo na ba ako dadalin sa opisina mo ha?! Gusto ko na makita yung Asshole ng buhay mo!!!!  Yung nakita kong KATABI MONG MATULOG nung 'project' days mo kuno?!" As usual, hysterical nanaman sya at excited na sya... Gustong gusto na nya makita si Jared..


tssss... bakit ba?? lakas makapang asar nito! Wala naman kaming choice nun kundi matulog sa isang kama at manatili sa isang kwarto na kami lang! inuulit ko! WALA KAMING CHOICE!


Tss!!!

Anyway! Napapasabunot na lang ako sa buhok kong malambot at silky dahil ang ingay ingay nya! shit naman! Matutulog na nga lang kami dada pa sya ng dada!

Kung nagtataka kayo kung saan nag sta-stay tong lintik kong bespren! Eh malamang sa bahay namin! Duh! Sabi kase nya.. Mas makakatipid sya at mas makakarami sya ng pwedeng bilhin dahil sa extra nyang budget.. Tss!! Kuripooot!

Nandito kami sa kwarto ko. Oo... Kung tutuusin pwede naman sana sya sa guest room... Bakit sa kwarto ko sya nakikisiksik? Malamang natatakot sya mag isa sa guest room.. tsss

Hindi naman sa ayaw kong katabi sya.. Okay lang talagaa.. Kung hindi lang nya ako sinigaw-sigawan sa tenga at binuburyo na ipakilala ko na si Jared sa kanya! Aba'y nag titili na dito!

Porket nakita lang nya yung text ni Asshole saying:

From: Tarantado

Hi! Busy ka siguro :'(

Pansinin mo naman ako.. Please.. Hindi lang ako makabisita sayo kasi may trabahuhin pa ako eh... Sana mag paramdam ka na sakin...

Good night

I love you. Always and forever :*

Oh diba? sweet nya noh!?

Kaso hayop talaga! Kung kelan nag iinspeksyon si Kyle sa phone ko... Saka sya nagtext.. Eh itong si tsismosa.. Malamng nangulit ng nangulit! tssssss!!!!!!

Matutulog na ako e! PANIRA!! Kapagod kaya this day!

"Ano na Eliiiiise?!!! Kelan?! Kelaaan?!"

"Kelan?!"

"Kelaan?!"

"Kelaaan?!"

"Kelaaaan?!"

"Kelaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan?!"

"Kelaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa-"

"Shut the fuck up Kyle!" Takip ko sa bunganga nya sabay sigaw ko sakanya with matching gritted teeth pa yan! Nanggigil na talaga ako sakanya eh!

"Konting-konti na lang Kyle! Malilintikan ka sakin ng sobra! Malapit-lapit na akong mag beastmode!!"  I shouted some more at her..

Napasimangot naman sya at tumalikod sakin...

Hayy I know.. I can be such a bitch... Alam ko namang childish ang ugali nitong bespren ko.. Pero anong magagwa ko?! Pagod na pagod na ako.. I want some peace..

Hayy.. Bukas na lang ako magso-sorry..

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng--

*Sniff*

*Sniff*

*Sniff*

Hayy.. Nakoo! Umiiyak sya! Dahil sa pag sigaw ko! aynako! Tssk!!!

Tsk! Hindi ko naman sya matiis... Kaya kinalabit ko likod nya.. Unti-unti naman syang humarap sakin na nakatakip ang kamay nya sa mata nya..

Tsss.. Napaikot ang mga beautiful eyes ko.. Tss! This girl!

"Tss!!! Hoy! Kyle! Wag mo kong dinadaan sa pag dradrama mo! Sasabunutan talaga kita!" Pag babanta ko sakanya.. Honestly.. Pagod na pagod na ako.. Gusto ko lang talaga matulog!

"Hmpp! Nakakainis ka!" Inis nyang sabi habang nakatakip pa rin ang mga kapay nya sa mata nya!

Hinawakan ko yung unan na nasa ulo ko ang I clutched it very hard. Dahil nag titimpi talaga ako..

Alam nyo yung feeling na gustong-gusto mo na matulog! Yung bibigay ng mga mata mo sa antok! Pero may kasama kang nag iinarte!

Hayyy!!!

*Breathes in*

*Breathes out*

Red! Best friend mo yan! Minsan ka lang nyan puntahan dito sa Pinas! Paiiyakin mo pa ba? Tsaka.. Gusto lang naman nya makilala si Jared ehh..

Tumango naman ako.. Sumasang-ayon ako sa isip ko

Tinapik ko ulit sya.. Alam kong gising pa sya...


"Hayy.. I give up! Sige! Papakilala kita saknya bukas.. Okay na ba tayo? Sorry I yelled at you earlier. I'm just tired." I told her and sighed.

I saw her tinaggal yung kamay nya sa mata nya at she smiled.

"Forgiven." She then smiled at me.

Tinaasan ko na lang sya ng kilay. Aynakoo!

She mouthed 'Good night' and pumikit na....

I sighed again and tumalikod sa kanya..

What could go wrong di ba?

Napapikit ako.. Nothing. Di ba?

-

-

-

-

-

-

-

Well... That was the dumbest thought I had in mind that night..

---

Kyle's POV

Tumalikod na si Elise.

Napapangiti ako! Hihihi!!

Hindi nya ako matiis!

Hayyy.. Nice acting Kyle.

*Pats self*

I closed my eyes with a smile on my face.

Excited na ako maki-usyoso sa lovelife ng best friend ko. Finally.. Mami-meet ko na ang 'The One'  ni Elise! I can feel it! Sya na talaga!

What could go wrong di ba?



THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon