15th RUNNER- Init

23 2 0
                                    

Red's POV


Matatapos na yung mga crew sa mga pinag gagawa nila. Nag meeting kaming tungkol sa mga pangyayare sa trabaho nila.


We discussed the status of the project. The progress of the Baler project was nearing it's end. Means, malapit na silang matapos. When we get back to Manila, irereport lahat nila yun and it will be edited and corrected.


So it means.. Malapit na kami bumalik sa Manila.


Natapos na yung meeting and we had lunch all together with all the crew. Syempre 'bonding' daw. WTF?


Okay medyo OA. Okay lang naman sakin yung get together nila. It's fun. Ang daming daldalan kahit hindi ako nakakarelate. OP na kung OP. Nilantakan ko na lang yung pagkain.


Nang matapos lahat kumain. Nagtakbuhan sila sa beach at nag tanggal ng mga damit. Live porn. Joke lang.


Syempre merong swim suit na pangligo sila. Well since patapos na yung project, binigyan ko sila ng happy time. Oo, sobrang bait ko.

 *wooosh*  Hangin ba yun?


One of the models screamed my name. I raised my eyebrows at her. Feeling close? She waved her hand and gestured me to swim with them. Namo! Manigas ka dyan. Ayoko.


Tapos nilapitan ako ng mga kasamahan nya na basa na. They were convincing me to join them. I wiggled my finger giving the sign na ayaw ko. Well wala silang magagawa.


Si Asshole? Ayun naging pugita na.


Ugh.. Shit! These past few days I've been feeling weird. Wala naman akong regla. Kakatapos lang nung umalis kami ng Manila.


It's weird. Really weird. Like happy weird.


Kaya weird kasi happy. Lalo na pag kasama ko yung ugok, and that was all the time.


*tugugugugugug


Pucha naman o!


Pinikit ko ang mga mata ko habang nakahiga sa may duyan na may punong naka-shade.


I tried to concentrate. Ano ba to? Lagi ko na lang nakikita si Asshole.


Malamang lagi kaming magkasama. Lagi kasi syang nakabuntot.


Magmula pagmulat pa lang ng mata ko sya na ang nakikita ko. Hanggang sa ipipikit ko na yung mata ko sa gabi, makikita ko yung malalalim nyang dimples habang natutulog ng mahimbing at yakap ang unan.


Hayy.. Buhayy... Sarap matulo--


"Rea! Rea!!!" Napamulagat ako sa ingay. 


Punyeta ka Jared.


 Binibigyan mo ako ng migraine. Alam mo yung tipong makakatulog ka na.. Konting utot na lang makakatulog ka na tapos biglang.. biglanggg may balahurang pugita ang gigising sayo!!! 

THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon