Red's POV
Hmmmmmm... Hayyy kasarap ng tulog koooo....
Minulat ko ang mga mata ko habang may mga ngiti sa mga labi ko.
Bakit? Ewan. Hahahaa!! Baliw? OO, baliw ka! Gaga to!
Red. Maluwag na ba turnilyo mo sa utak? Kanina ka pa nakangiti dyan ha! E kung nag totoothbrush ka? Edi sana nakakabawas ka ng air pollution! Mahiya ka naman sa bansa mo!
Sa totoo lang. Nakakairita tong boses sa utak ko.
Anyway, tignan ko yung phone ko para malaman kung anong oras na.
Weh? Titignan mo lang kung may text sya e.
I rolled my eyes. Minsan naiisip ko may kakambal ako sa utak ko. Bwiset e! Salita ng salita!
Tarantado: 1 message
Binuksan ko.
Tarantado: Meant to be talaga tayo. Pag tinanggal mo ang RED sa pangalan ko. Hindi ako kumpleto.
Gisiiing naa.. Wag kang tatamad-tamad. Lulunurin pa kita mamaya. Lulunurin sa pagmamahal :) Ingat sa pag-pasok. I love you and always :*
Tanginaaa!!! Pati ba naman palayaw ko. Idinamay pa nya. Gago tlaga to!
Kinikilig ka naman. Pakipot! Landi e! Ligo muna bago harot!
Tse! Tae! Pag ako naging bilyonaryo papatanggal ko na tong pangalawang nagsasalita sa utak ko. Imbyerna!!
Bumangon na ako at gumayak na. Bumaba na din ako para mag almusal. Nadatnan ko si Gramps na umiinom ng kape at naka porma na tila lalabas ng bahay.
Usually, dito lang yan sa bahay o di kaya nasa subdivision at nag go-golf lang.
Lumapit ako at nakipag-beso sakanya at umupo na para magsimulang lumamon. Syempre, ganyan tayo guyths. Lamon lamon din. Sarap e.
"Gramps! Bat kayo nakapang-opisna? Mag go-golf ka na naka-suit? Ang init kaya!" Sambit ko
"Sira ulo ka talaga Elise. Hija, bibisita naman ako sa kumpanya. Nirarayuma na ako kaka-golf. Nakakasawa din. May lakad din kami ng mga Amigo ko. Libre daw nila. Edi go lang ng go."
Natawa ako sakanya. Tignan nyo. May pinagmanahan talaga ako.
"Abuso ha! Pero good yan Gramps! Grasya na nga baka maging bato pa! Hahahaa!" Tawa naming dalawa. So ganito lang kami tuwing umaga. Nagtatawanan. Masaya.

BINABASA MO ANG
THE CHASE
Humor"Ang kalandian nya parang Ebola virus, WALANG LUNAS!" Si Red, ang babaeng gigil na gigil sa buhay nya dahil sa PAST niyang KAGIMBAL-GIMBAL at sa FUTURE niyang KATAE-TAE SA INIS... PERO NAKAKA-IHI DIN SA SOBRANG KILIG-- weh?! ANSABE?! Subaybayan ang...