Red's POV
Seryosohang usapan. Tangina! Lumipas ang buong araw na naglibot kami para mag interview, mag picture, at magsulat ng mga comment sa aming journal. Oo, journal. Parang pinagrerecordan namin ng mga napuntahan namin at yung mga pinagsasabi ng mga na-interview namin.
Nakakapagod..
Nagpa-room service na lang kami ng kinagabihan.
Nakakapagod! "Asshole!" Tawag ko sakanya. Tumingin naman sya saakin.
"Mauuna ako maligo sayo, nakakapagod. Magpakagentledog ka naman."
"Sige, sige. Sa labas lang ako." With that, umalis na sya at ni-lock yung pinto. May susi kasi sya.
So ako pumasok na ako sa bathroom at malamang naligo at nag toothbrush. Nang matapos ako, lumabas na ako ng nakatapis at naghanap ng pantulog. Puro short yung pantulog ko at sando.
O______________O!!!!
Shet! Shet! Iisa lang yung kama! Iisa lang din ang room! Pano to?! Dun sya sa labas gago sya! Pero!!!! Kawawa.. Sandali?! Kelan ba ako naawa?? Kaso!!! Ugh! Yaan mo sya! Dun sya sa lapag hayop sya!
Humiga na ako sa kama at in-on ko yung lampshade. Tinignan ko yung mga photos sa camera. May mga litrato ng mga dayo na katulad namin. Meron din naman yung mga nagtratrabaho sa mga stall. Hayy, nakakapagod talaga! Pero sa totoo lang, Ngayon lang ako napagod ng ganito. Yung galaw ng galaw. Usually napapagod ako sa kaka-harass ng mga empleyado o ng tao na makita ko at yung kakaintindi sa trabaho.
Pumikit muna ako ng sandali.. Huminga ng malalim. Grabe, konti lang yung mga natarayan ko ngayon. Pagod na din siguro sa byahe. Kailangan ko mag-recharge! Minulat ko ang mata ko at in-off yung camera at tinabi ito sa side table.
Tinignan ko yung orasan.. 11 na nang gabi. Hayy.. Pinikit ko yung mga mata ko.. Unti-unti akong nakatulog.
*hmm*
umikot-ikot ako. I shut my eyes as hard as I can. May parang ilaw na nakabukas kase. Panira ng tulog! Binuksan ko yung mga mata ko. Tumingin ako sa orasan 12 nangmadaling araw. Pag tingin ko sa ilaw na nakabukas. Sa may banyo.. Tinignan ko yung sahig, wala naman si Asshole. Then mamaya, may pigurang lumabas sa banyo at DAMN!
Tae! Dinaig pa ng alarm clock yung nakikita ko. Shet! Nagising yung diwa ko! FUTAAA! Sino ba namang hindi magigising kung sandamukal na mababatong pandesal ang tatambad sa mukha mo!? Punyeta! Naka-boxer lang sya at shit! Ang gwapo! UGH!
Pinagnanasaan ko ba sya!? NO WAY IN HELL!! Pero kahit anong gawin ko, sakanya lang ako nakatingin! Busog na busog yung mata kooooo! ULALAM!
"Huh? Sorry nagising ata kita.. Tulog ka na uli. Kararating ko lang." With matching death smile yun! Binaon na ako nung ngiti nya! Grabe! Nakakatunaw!
Hindi pa din ako natitinag at tinitignan ko sya na patayin yung ilaw! Yung lampshade na lang yung tanging ilaw nung kwarto.

BINABASA MO ANG
THE CHASE
Humor"Ang kalandian nya parang Ebola virus, WALANG LUNAS!" Si Red, ang babaeng gigil na gigil sa buhay nya dahil sa PAST niyang KAGIMBAL-GIMBAL at sa FUTURE niyang KATAE-TAE SA INIS... PERO NAKAKA-IHI DIN SA SOBRANG KILIG-- weh?! ANSABE?! Subaybayan ang...