2nd RUNNER- Panira Ng Buhay

85 3 0
                                    

Red's POV

Linggo ngayon. Wala naman akong ginagawa sa bahay. Wala akong projects. Wala din pinagagawa si tita. In short bored ako. Ang init ng panahon, kasing hot ko. Huwag ka ng kumontra, totoo kasi yan.

Kanina pa ko naglalaro ng Tekken 6 sa PSP. Nakakatae sa tamad. 

Alam ko na! Kahit mainit magsasakripisyo ako, kasi wala akong magawa. I got dressed and left the house. I just wore a brown short, white shirt, and black sneakers. I went to the mall using the car. 

Finally I arrived. 

Woah! Iba na talaga ang henerasyon ngayon. Mall, ang tambayan ng mga dukha ngayong mainit ang panahon. Nagkalat ang mga jejemon, ang mga tambay pa window-window shopping na lang.

Kokontra kung bakit andito ako? Kung hindi naman ako dukha o jejemon. I'm here to have fun, as they say you can't buy happiness. Kaya P500 lang ang dala ko baka magutom ako. So naglibot ako. Lakad dito, upo dun, tingin dito, hanap dun. Oo, daig ko si Dora. Ano hinahanap ko?! Wait and see..

Ayun!! *evel smile*

I walk towards them. Who are they you ask. Hindi ko din alam. Haha this is gonna be fun!

Magkahawak sila ng kamay, impernes! Medyo may itsura yung kasama nya.. Dire-diretso ako at nabangga ko yung babae at tumilapon sya sa lapag, haha hindi naman, napaupo lang.

"Aray! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" oo naka-upo pa rin sya sa sahig, at naghihiyaw. What's more funny is hindi sya tinulungan nung ka-holding hands nya, I'll assume is her boyfriend. Ano ginagawa nung tukmol, ayun nakatingin ssakin.. haha

"Bakit ako titingin sa isang basurang katulad mo?" I know it's mean, but it's fun :D

"Babe! Ano ba?! Pagtanggol mo naman ako! Itayo mo naman ako!"   This girl is desperate, and this boy is still looking at me. It's getting creepy.

"Ano?! Tatanga ka na lang ba dyan at titignan yang panget na yan?! ugh! BABE! Nakakainis!" finally tumayo na ang gaga. 

PERO ANO?! ANONG SINABI NG HAMPASLUPANG TO?! Tatalakan ko sana pero-

"Babe! Hindi sya panget. Ang ganda kaya nya!" Aba! Pinagtanggol ako ni guy, haha nakakatawa silang panoorin.

"Ano ba?! Bakit kinakampihan mo yang tanga na yan?! Ako na nga yung napaupo sa katangahan ng babae na yan, pinagtatanggol mo pa?! AKO! AKO ANG MAGANDA! Panget yan! "

"Babe! Ano ba?! Gumagawa ka ng eksena!"   Hindi na ako nakapag pigil. Lumapit ako sakanila, nanahimik yung lalake. Yung babae? Ayun, nakataas ang kilay at halatang gigil na gigil. Sino bang hindi, nabangga na nga sya hindi pa sya tinulungan ng boyfriend nya at worse nakatingin pa yung boyfriend nya sa ibang babae.

"So sa tingin mo ikinaganda mo yang pagtaas ng kilay mo?! Just so you know , mukha kang baklang pokpok, at ikaw tanga? (hindi ako hibang para tawagin sarili kong tanga) Oo, sobra. Pa-babe babe ka pang nalalaman kita mong nag eenjoy yung 'syota' mo kakatingin sakin. Panget ka?! Oo pa din! You dare call me ugly, eh mukha ka namang nilamas na tae. TANGA NA, PANGET PA!"

wait kala nyo tapos na, NO. Ma-K-K.O sya sa huli kong combo..

"Hindi ka maganda, kahit sa panaginip mo hindi yan mangyayare. Bago ka mag maganda mag pa-facial ka muna! Para kang kulugong tinubuan ng mukha! Kaya siguro hindi ka manlang matignan ng syota mo, at sa magagandang tulad ko sya tumitingin" 

I flipped my hair and turned my back at her, I turned towards the guy who was defending me. "At ikaw, may girlfriend ka na ngang ubod ng pangit, sinasaktan mo pa. I-break mo na lang kung hindi mo matiis yung mukha, kesa naman yung hirap na nga sa mukha, pinapaasa mo pa sa wala"  With that umalis na ako.

Oo, malupet ako magsalita, nakakasakit. But it's the truth, kung panget ka, panget ka talaga. Wag kang feeling, instead of assuming be better. Kung mag-break man sila, maging thankful yung babae. I'm doing her a favor, para hanggat maaga konti lang yung sakit na mararamdaman nya.

------------------------------------------------

Grabe! Nakakastress! Buset na yon! Buset din ang mga tao dito! Kanina pa tingin ng tingin! Hindi na nga ako gumawa ng gulo ulet, makatingin naman sila. Masyado na ba akong maganda?!

Naglalakad ako ngayon at nadaanan ko si Mcdo, namimigay sila'ng balloon. Eh napadaan ako, inabutan ako. Aanuhin ko ang hininga ng mga to na nakakulob sa loob ng plastic or rubber. 

Ewan! Anyway nag lakad na lang ako habang hawak yung balloon.

Napadaan ako sa Jollibee, at andaming tao. Kaya pala, andun yung mascot nilang hilaw. Nakakatamad maglakad kaya umupo ako sa may mga bench sa loob ng mall,oo may ganun, wag ka na umangal.

Habang tinitignan ko yung mga hampas lupa pagkaguluhan si Jollibee, may batang lalake naupo sa tabi ko habang kumakain ng ice cream. Cute sya pero hanggan dun lang ang puri ko sa kanya, sineswerte sya!

"Ano ba yan? Yan yung pinagkakaguluhan nila? Ang cheap! Ngayon lang ba sila nakakita ng bubuyog?" sabi nya bigla at napanganga ako sa mangha.

I like this kid! Ang taray nya kahit lalaki sya!

Lumingon sya sa akin "Miss beautiful, gusto mo?" and ang landi nya -_-

Umiling ako "No thanks kid, baka kulang pa sayo yan."

Ngumiti sya sa akin and shet! Ang lalim ng dimples nya! Wait! Don't get me wrong, hindi ko pinagnanasaan tong batang to!

"Nope, it's okay. You can have a lick, masarap to lalo na't natikman ko na" and he winked at me! Seriously?! This kid is such a flirt!

"I'm sorry to break it to you little boy, but I'm not interested. But tell you what, you'll probably break a lot of hearts when you grow up. You're such a flirt!"  I smiled at him.

"Eee! Am I not cute enough?! hmp! Sabi ni kuya pag may gusto akong babae dumamoves ako " He pouted.. awww! Damn! My accent sya pag nagtatagalog!

"Gwapo ka. Hindi ka 'cute' (I air quoted), ang cute pang aso. Maybe if we see each other again and you're a big boy, baka magpaligaw ako. Sabihin mo sa kuya mo, wag kang tinuturuan ng kalandian, bata ka pa. Oh eto balloon, remember me okay? Find me." I winked at him. Haha nakakatuwa tong batang to, ang taray tapos all out kung lumande.

"I will! Miss Beautiful!" and with that umuwe na ako. Nakakapagod tong araw na to!!!!!

THE CHASETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon