Kabanata 2

178 10 6
                                    

"TITO Otephhhhh! Nandito na si Tito Otephhhhh mama!" Agad namang napangiti si Joseph noong makita niyang tumatakbo  palapit sa kanya ang kanyang pamangkin na seven years old.

Agad naman niya itong sinalubong ng yakap.

"Tito Otephhhhh!" Sigaw nito.

"Oy! Big boy na ang Julius ko ah!" Ginulo niya ang  buhok nitl noong kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.

"Tito, mama told me na umalis ka raw papuntang Thailand. Pero why po you're here?" Nakatingala sa kanya na tanong ni Julius, nakakunot pa ang noo nito.

Ano ba namang pinaglihi ng ate niya sa pamangkin niya? Parang detective kung mag-imbistiga.

Lumuhod si Joseph sa lupa upang magkapantay sila, ngumiti muna siya ng kay tamis  sa seryusong mukha ng kaharap niya.

Tsk, parang ang tanda kung magtanong.

"Naku naman ang Julius ko, parang ang tanda kung magtanong." Natatawa niyang sabi.

"Hindi natuloy ang flight ni tito e." Dugtong niya, at pilit na pinasigla ang boses kahit ang totoo ay gusto ng kumawala ng mga luha niya.

"Why po?" Puno ng pagtataka na tanong nito.

"Kasi..." Natigilan muna siya sa sasabihin at tiningnan ng maigi ito.

"Kasi?" Ulit na patanong nito.

"Kasi, mainit dito sa labas kaya pumasok na tayo sa loob."

"Tito!"

Agad niya itong kinarga at pinasok sa loob, nagpupumiglas pa ito at pilit na kumakawala pero nagmatigas siya at tinawanan lang ito.

"Bakit hindi ka manlang tumawag sa akin na hindi ka pala natuloy sa Thailand?" Seryuso ang mukhang tanong ni ate Faye, limang taon ang tanda nito sa kanya. Iyon agad ang bungad nito sa kanya pagkapasok ng bahay.

Kasulukuyan silang naka upo sa sofa, magkaharap na nag-uusap. Habang ang pamangkin niyang si Julius ay naglalaro na ngayon ng kotse-kotse nitong laruan, medyo malayo ito sa kinaroroonan nila pero tanaw niya pa rin naman ito.

"Joseph..." Tawag sa kanya ni Faye upang pukawin ang atensyon niya.

"A-Ah... A-Ano e..." Natigilan muna siya, nagdadalawang isip pa kung sasabihin na niya ang totoo. Kasi ang totoo talaga, hindi niya kayang sabihin dito eh. Sabi na nga ba niya e, hindi muna siya pupunta dito. One week palang ang naitagal no'ng hindi muna siya nagpakita rito, kaya lang na miss na niya ang mag-inang ito e. Kaya wala na!

"Anong, ano Joseph?" Parang naiirita na ito sa kanya.

"Ang totoo talaga ate, nagsinungaling ako sa'yo. Akala ko kasi tuloy-tuloy na iyon, kaso  hindi pa pala e." Nakayuko niyang sabi.

"Anong hindi natuloy?" Naguguluhang tanong  nito.

"Kasi ano e, nasabi ko sa'yo agad. Akala ko kasi maipapasa ko iyon."

"So anong nangyari?"

"Hindi ako nakapasa sa immigration." Pag-amin niya at napayuko pa lalo, nahihihiya na tuloy siya rito dahil kung ano-ano nalang kasi ang naging pangako niya na mangingibang bansa upang makapagtrabaho ng maganda pero hindi pa natuloy.

"Lintik." Sabi nito kaya napatingin siya dito, nakita niyang napatampal ito sa noo at napailing.

"Edi sana hindi ka nagsinungaling sa akin, sinabi mo ang totoo na hindi ka makakaalis ng bansa at makakapagtrabaho. Gano'n lang kasimpleng sabihin iyon sa akin, pero bakit ka pa nagsinungaling?"

"Ate ano kasi e. Nahihiya na ako sa'yo, nahihiya na akong humiram ng pera ng paulit-ulit sa'yo, e hindi ko naman mabayaran lahat."

"Iyon na nga, bakit ka pa mahihiyang umutang sa akin? Eh, ate mo ako. Hindi ako naghihintay ng ano mang kapalit." Napatingin siya sa mga mata nito. Gusto niyang hulihin kung nagsasabi ba ito ng totoo sa kanya, laking pasasalamat naman niya ng wala siyang makitang kahit na anong problema sa mga mata nito.

Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon