Kabanata 29

55 4 0
                                    

Lumipas ang ilang araw, na okay na silang lahat, masaya na ang mama at tito Fernan niya sa kanilang dalawa ni Joseph. Si Zaira naman ay okay na rin, pero ang hindi okay ay si Roel, sabi pa nga nito magiging okay lang daw ito pag maghiwalay sila ni Joseph.

Minsan hindi niya alam kung anong magiging reaksyon sa kaibigan, kung maiinis ba o matatawa.

Si Joseph naman ay alagang-alaga siya, napagdesesyonan na rin niyang bumalik sa bahay nito. Pumayag naman ang mama niya basta’t dalasan lang daw ang pagdalaw sa bahay nito at namimiss siya nito agad, minsan nga ay nagpupunta ang mama niya rito kasama sina Zaira, Roel, at Tito Fernan niya.

Lahat ng cravings niya ay sinusunod ni Joseph kahit madaling araw ay hindi ito nagagalit ’pag may pinapabili o may pinapaluto siyang pagkain. Swerte niya sa asawa niya, na e set na rin ang date ng kasal nila at next week na rin iyon. Ayaw kasi ng mama niya na hindi sila maikasal agad ni Joseph lalo pa’t teacher ito.

Agad siyang pumasok sa sasakyan nito, papunta sila ngayon sa bahay ng ate ni Joseph. Kinakabahan nga siya e, pero may halong excitement iyon.

Nakasuot lamang siya ng isang summer dress dahil ayaw ni Joseph na magsusuot siya ng mga pantalon or shorts. Gusto nito ay laging duster or dress ang suot niya, ewan ba niya... Minsan naiisip niya ay dalawa silang naglilihi ni Joseph, natawa naman siya sa isiping iyon.

“Bam...” tawag nito, nakaupo na ito sa tabi niya... Sa driver seat.

“Hmmm?”

“Fasten your seatbelt.” sabi nito, susuotin na sana niya ang seatbelt noong bigla ay inagaw nito iyon sa kaniya. Nalanghap niya tuloy ang pabanggo nito, hindi niya tuloy maiwas ang paningin dito, ewan ba niya... Patagal nang patagal... Pabango nang pabango ito at pagwapo ng pagwapo pa.

“Ang gwapo mo.” nabigla siya sa sinabi... Pero huli na, nasabi na kasi niya ’yon

“Alam ko.” at saka tumawa ito ng malakas.

“Magkaka-anak nalang tayo pero para ka pang teenager kung kiligin.” dagdag nito at saka tumawa pa.

Dahil sa hiya ay napalo niya ito sa braso, “Pasalamat ka nga at pinuri kita.”

“Ang ganda mo rin.” sabi nito at tinitigan siya ng kakaiba, kaya naman ay bumilis ang tibok ng puso niya no’n.

Napalunok naman siya no’ng bigla ay dahan-dahan nitong ilapit ang mukha sa kaniya.

“B-Bam...” aniya.

Hindi na naituloy pa ang ibang sasabihin niya noong bigla ay sakupin nito ang labi niya, nakakabaliw, nakakakiliti...

Naipikit niya ang mga mata at napaungol, naramdaman niya ang pagpasok ng dila nito sa kaniyang bibig. Imbis na tumigil sa ginagawa  ay sinuklian niya pa ang halik nito at iniyakap pa ang mga braso sa batok nito.

Naramdaman naman niya ang paghawak nito sa magkabilaan niyang beywang.

Mas napapikit pa siya noong sumunod nitong halikan ang kaniyang leeg, hindi nagtatagal ay paiba-iba na  ito, minsan sa kaliwa minsan sa kanan ng kaniyang leeg.

Wala siyang nagawa kundi ang idiin ang mukha nito habang hinalikan nito ang kaniyang leeg.

Ilang saglit pa ay naramdaman naman niya ang unti-unting pagtaas ng dress niya kaya natigilan siya.

“B-Bam...” tawag niya rito.

“Mamaya na.” ungol nito at saka siya hinalikan ulit.

“B-Bam...” pagpatigil niya rito.

Ungol lamang ang sinagot nito.

“Bam, we need to go.” marahan niyang inilayo ang katawan nito sa kaniya.

Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon