Sapo ang kanyang mukha na napatalikod siya sa nakabunggo sa kanya, ang sakit ng buong mukha niya dahil sa pagkabunggo nito.
"Are you okay miss? Does it hurt?" Sunod-sunod nitong tanong.
"N-No, I'm fine." Sagot niya nalang at pilit na tinatago ang mukha rito.
"Hermionelle?"
Biglang napalaki ang kanyang mga mata at saka napalingon, doon siya napalunok at biglang kinabahan noong mapagkungsino ang nakabunggo niya.
"B-Benedict?" Utal niyang tawag dito, shit! Bakit nangyari sa kanya ito? Bakit sa dami ng lalaki na dapat na makakabunggo niya ay ito pang lalaking ito? Nakakahiya na makita siya nito sa bar na ito, mukhang wala na rin siyang ihaharap pa sa binata lalo pa't may sumilay ng nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Parang gusto nalang tuloy niyang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyang inabot niya ngayon.
"I didn't know na ang isang kagaya mong si Hermionelle ay nagpupunta pala rito upang...." Natigilan pa ito sa sasabihin at agad na nilibot ang paningin sa kabuoan ng bar.
"Maglibang?" Dugtong pa nito, napalaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Parang uusok na ang tinga niya sa pagkairita sa sinabi nito, anong tingin nito sa kanya?
"Hoy Benedict dahan-dahan ka nga sa pananalita mo!" Hindi na niya napigilan pa ang pagkairita rito.
"Why?" Maang na tanong nito.
"For your information, at para maliwanagan na 'yang utak mo at kung ano-ano nalang ang iniisip-sinama ako rito ni Reol, i didn't know na bar pala 'to ng kabaklaan and mga babaeng-w-wait..." Natigilan siya sa sasabihin, noon lang niya na isip na bakit nandito rin ang lalaking 'to?
Napalunok siya sa iniisip at agad na napatutop ang bibig. Nooooo!
Hindi kaya.....
"W-What?" Irita nitong tanong.
"Y-You're gay?" Nauutal niyang tanong dito at pigil pa ang hininga, bakit hindi manlang niya nahalata na bakla pala ang kalove team niyang si Benedict kung hindi pa siya magpupunta sa ganitong bar ay hindi niya pa malalaman.
Naku, huwag naman sana sayang ang kagwapuhan nito kung magkataon.
"What the hell?!"
"Why? Bakla ka nga?! OMG! Bakit hindi ko alam?! O my godddddddddd!" Napatirik pa siya ng mga mata.
"Y-You... You'll please stop saying that I'm gay?" Irita nitong sabi.
"Why? Eh, bakit ba nandito ka? Eh, bar 'to ng mga ano e. Kung hindi-" natigilan uli siya.
At napatutop uli sa bibig, "Huwag mong sabihin na sasayaw ka rin sa stage? Kagaya ng mga ginagawa ng mga lalaki sa loob, OMG! Sinasabi ko sa 'yo-"
"Tumigil ka nga sa kapraningan mo." Putol nito sa sasabihin niya at tiningnan siya ng masama, mukhang naiirita na ito sa kanya.
"I'm here because, your manager called me.... Roel called me na sunduin ka rito dahil nakauwi na siya, he's drunk at hindi na niya kaya pa na hanapin ka sa loob kaya nag taxi nalang siya pauwi sa condo mo. Okay? Gets na? Baka naman lasing ka na at ganyan ka kung umasta?"
"Hindi ako lasing!"
NAKAUPO ngayon si Joseph upuan ng study table niya, napatingin siya sa suot na relo alas dyes na ng gabi. Kailangan na niyang tapusin ang lesson plan niya, tatlong araw na ang nakakaraan noong matanggap siya sa Juan Villablanca Memorial Highschool or in short JVMHS. Pinikit niya ang mga mata at napasandal sa upuan, inaantok na siya pero hindi niya pa tapos ang lesson plan niya. Nagiisip pa siya ng activity na pwedeng ipagawa sa mga istudyante niya.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]
Romance[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her dreams, but despite her fame, she tries to forget her past. She has experienced pain, abandonment...