Wala na siyang nagawa kahit tumutol pa rito, ginawa na niya ang lahat ng alibi at sinabi rito na ayaw niya talaga. Pero kakaiba itong kaibigan ni Hermionelle, parang gusto niya tuloy pagsisihan kung bakit naging pinsan at kaibigan niya ito. Bakit ba ang taba ng utak nito? At higit sa lahat ayaw niyang matanggihan kung pag dating lang naman dito.
Kasulukuyan siyang nasa airport habang ang katabi naman niya ay halos mapunit na ang labi kakangiti sa mga fans niya. Hindi niya tuloy lubos na maisip kung ito ba ang artista sa kanila o ako? Kinakawayan pa nito ang mga iyon, kahit ang bumabati sa kanya ay ito na rin ang bumabati. Napailing nalamang siya, hindi siya makangiti dahil wala siya sa mood.
Nakakahiya nga kay direk e, pero ang sama talaga ng loob niya e. Kaya naman nagpahuli siya sa mga ito, pati nga ang ka-love team niya, si direk, mga staff ay nando'n na rin. Kumbaga siya nalang ang wala pa roon at siya nalang ang hinihintay ng mga ito upang makapagsimula na ang taping.
Kalma Hermionelle. Kaya mo 'to, sa lawak ba naman ng Leyte, hindi mo na makikita ang isang 'yon.
Makalipas ang ilang segundo ay nag announce na ang flight attendant na flight na nila. Kaya naman hinila na siya ni Roel.
Isang oras at ilang minuti lang ang itinagal ng biyahe nila no'ng maayos na nailapag ng pilot ang eroplano sa Daniel Z. Romualdez Airport, Tacloban City, Leyte.
Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan ng eroplano, hindi niya kayang ngumiti habang ginagala ang paningin sa paligid. 8 years ago.... 8 years na ang nakalipas, pero bakit parang hindi niya pa rin kayang tumuntong sa lupang kanyang pinagmulan? Bakit parang may nararamdaman siyang kirot sa kanyang dibdib? Bakit parang ang bigat-bigat ng pakiramdam niya?
"Ayoko nga pong sundin ang iyong gusto, ma!" May diin pero pilit niya namang pinahinahon at pinakalma ang sarili.
"Hindi ka ba nahihiya sa Tito Fernan mo?!" Pagalit nitong tanong, nagsisimula nang manubig ang bawat sulok ng kanyang mga mata.
Bakit palagi nalang akong kinokontrol ng lahat? Wala ba akong karapatang sundin ang gusto ko?
"Bakit naman ako mahihiya sa kabit mong 'yon?!" Puno ng hinanakit na tanong niya sa ina, doon nagsimulang tumulo ang dalawang butil sa kanyang mga mata... she's hurt, nasasaktan na siya sa takbo ng buhay niya parang gusto nalang niyang tapusin ang buhay para makatakas sa problema
Nagulat naman siya noong bigla siyang sampalin nito, nasapo niya ang pisnge at napahagolgol.
Dinuro siya nito, "Wala kang karapatang sabihin iyan sa Tito Fernan mo! May utang na loob ka sa kaniya dahil siya ang nagpapaaral sa'yo at sa kanya nagmumula ang perang pinangbibili mo ng mga gamit at kinakain mo! Kaya wala kang karapatang sabihin iyan! Dahil kung hindi dahil sa kanya wala tayo sa-" agad niyang pinutol ang sasabihin.
Punong-puno na siya, parang sasabog na ang puso niya sa sobrang sakit at bigat na nararamdaman.
"Iyon pa talaga ang inaalala mo, ma? Ang sakit ah!" Natawa pa siya ng peke habang hinahayaang maglandas ang luha sa kanyang mga mata.
"Sobrang sakit na, ma! Puro nalang pasakit ang binibigay mo sa akin, ma! Actually lahat kayo! Oo, may utang na loob ako kay Tito Fernan pero wala kang karapatang ipamukha sa akin lahat ng utang ko sa'yo at sa kanila! Baka nakakalimutan niyong kayo ang dahilan, ma! Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin, ma! Kung hindi dahil diyan sa kalandian mo-"
"Bakit? Hindi ka ba nakinabang? Huwag mong sabihing hindi? Dahil lahat ng gusto mo ay binibigay sa'yo!" Duro nito sa kanya.
Saglit siyang natigilan, hinayaan niya munang sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. Sobrang sakit na ng puso niya, hindi na niya kaya.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]
Lãng mạn[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her dreams, but despite her fame, she tries to forget her past. She has experienced pain, abandonment...