Kabanata 24

47 4 0
                                    

Ilang minuto lang ang itinagal ay nakita naman niyang bumaba sa hagdan na gawa sa glass at nakasuot na ng pantulog ang kaniyang mama.

Sandali siya nitong tinapunan ng tingin bago naupo sa harapan niya at sa tabi ng kaniyang Tito Fernan.

“Oh, nariyan kana pala. Pinakain ko muna ng sandwich ang anak mo, baka gutom.” nakangiting sabi ni Tito Fernan niya sa kaniyang mama.

Napadako ang tingin ng kaniyang mama sa kaniya at hindi manlang nag-aksayang magreak sa sinabi ng asawa nito.

Dahil sa awkward moment ay siya na ang nag-iwas ng tingin, pero sa hindi inaasahan at sa kalikutan ng mata ay napadako ang tingin niya sa gilid ng mesa na may litrato roon na nakalagay.

Nagsisisi tuloy siya dahil sa kalikutan ng mata.

Tatlong tao ang naroon sa litrato, ang kaniyang mama ang nasa right side, sa left side naman ang kaniyang Tito Fernan  habang sa gitna naman ng mga ito ang malawak na nakangiting si Zaira.

Hindi niya napigil ang sarili na makaramdam ng selos sa nakita, buti pa si Zaira may picture na kasama ang kaniyang mama ... Habang siya ay wala manlang kahit isa, hindi kasi mapirmi sa bahay noon ang kaniyang mama dahil abala raw ito sa trabaho kaya minsan ang kasama niya ay ang papa niya at kapag may trabaho naman ang papa niya sa mga event dahil isa itong photographer ay naiiwan siya sa mga kapitbahay.

Naikagat niya ang ibabang labi upang pigilin ang nagbabadyang mga luha sa kaniyang mga mata, nailunok niya ang sariling laway at napatikhim.

Pinakalma niya ang kaniyang sarili bago ibaling ang tingin sa mga ito, ngunit pag tingin niya ay nahuli niya rin ang mga itong nakatingin sa tinitingnan niya. Agad ding naibaling ng mga ito ang tingin ss kaniya.

Pinagsawalang bahala nalamang niya ang nakita, isa pa nakita nga niya ring awkward ang mga ito ngayon sa kaniya.

Bahagya siyang ngumiti ng pilit sa mga ito, ayaw na niyang magsayang pa ng oras. Kapag masabi lang ng mama niya ang lahat ay aalis na siya agad, ayaw na niyang manatili pa sa lugar na ito. Hindi siya komportable.

“Can we start?” tanong niya.

Nagkatinginan muna ang dalawa bago ibaling ng mga ito ang tingin sa kaniya.

“A-Anak...” sambit ng kaniyang mama habang nakatingin sa kaniya.

“Sabihin niyo na po, malalim na rin po kasi ang gabi at kailangan ko ng umuwi.” mariin niyang sabi, sa mga oras na ito feeling niya ay napakastrong niya.

Gusto niya tuloy matawa sa sarili.

“We... N-Naghiwalay kami ng papa mo...” sandali itong natigilan at napahinga ng malalim.

“Naghiwalay kami ng papa mo kasi hindi ko siya mahal.”

Nagtagis ang mga panga niya sa narinig, madilim ang mukha niyang tiningnan ito.

How could she do that to her own husband?!

Gusto niya iyon itanong, but she remains silent at mariing tinitigan ang mukha ng kausap.

“We’re best friend back when we're in  college, siya iyong tipo ng lalaki na nasa kaniya na lahat. Matalino, mabait, gwapo, marespeto, maka Diyos at higit sa lahat ay responsable.” kwento nito, ngunit tahimik lamang siyang nakikinig.

“May party no’n... Kaming mga magkakaklase, hanggang sa ginabi na kami ng papa mo sa party and we're drunk na that time. At ayon na nga, dahil sa kalasingan... May nangyari sa amin, at doon ka nabuo.” kwento nito, bakas sa boses nito ang pag-aalangan sa pagkwekwento.

“No’ng nabuntis ako, pakiramdam ko wala na akong kwenta dahil nabuntis ako ng maaga at fresh graduate pa lamang. Galit noon ang magulang ko no'ng ipaalam ko na buntis ako, naisip nila na wala ng magagawa ang galit nila kasi buntis na ako at nariyan na iyan. Kaya ang sulosyon nalang nila ay ang ikasal kaming dalawa ng papa mo, noong nasa iisang bubong na kami at kasal na ay inamin niya sa akin na mahal niya ako at matagal na kaya hindi na nito napigil ang sarili na may mangyari sa amin. I was drunk that time kaya hindi ko alam kung sino sa amin ang nauna.” kwento nito at mariin din siyang tinitigan nito.

Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon