Habang naghahanda siya sa hapag ay narinig niya naman ang tunog ng mga paa na pababa ng hagdan, napangiti siya. Sigurado siyang si Joseph iyon, gising na ito.Binilisan niya ang pag-aayos, paglalagay ng plato, at kutsara. Buti nalang no'ng maabutan siya nito ay tapos na siya sa ginagawa, salubong ang kilay at tila napakaseryuso ng mukha ni Joseph na umupo sa harap ng hapag kainan. Bagong ligo ito at feeling nga niya ay sobrang saya niya dahil sinuot nito ang hinanda niyang kasuotan nito. Tumutulo pa nga ’yong tubig sa ilang hibla ng kaniyang buhok, ngunit hindi iyon ang nagpapatibok ng puso niya. Kundi ang mala tsokolate nitong mga mata na sandali ay napatingin sa kaniya, lalo na ang medyo makapal nitong kilay at matangos na ilong, napadako pa nga ang kaniyang tingin sa labi nitong natural lang sa pula, ito ’yong labi na kahit kailan ay hindi pa nababahiran ng sigarilyo.
Para tuloy siyang nakakita ng multo sa ayos, kaya pinigil niya ang kaniyang sarili. Manliligaw mo ’yan, pero hanggang ngayon hindi ka pa rin makaget-over? Talagang hulog na hulog ka ah? HAHAHAHA
Nagtaka tuloy siya, pero ininda na lang niya iyon. Nakita niya namang tinitigan nito ang linuto niyang Tinola na ngayon ay umuusok pa, umupo siya sa harap nito. Pero hindi pa nga nagtatagal ay napatayo siya dahil naalala niya na nakasuot pa pala siya ng apron. Napatingin tuloy sa kaniya si Joseph kaya nahihiya siyang ngumiti rito, katapos niyang ilagay ang apron sa sabitan nito na malapit lang sa refrigerator ay bumalik uli siya sa kinauupuan.
“Kumain kana, ipinagluto kita ng Tinola at saka ’yong pakbet na niluto ko kahapon ininit ko nalang. At saka ipinaghanda na rin kita ng baon mo para hindi kana bumili sa canteen o sa labas ng school—”
“I've to go, alas syete na pala.” putol nito at napatingin pa sa suot nitong wrist watch.
Napalunok siya upang magpigil, pagod pa rin ba ito?
Napatayo siya noong tumayo ito, “A-Ah, nasa bag mo na ’yong baon mo.” sabi niya at pilit na ngumiti, tinapunan lang siya nito ng tingin at walang salita na tinalikuran siya.
Napabuntong hininga siya, at napatingin sa pagkaing hinanda niya sa misa. Naisip niya na, mauubos kaya niya ito?
Sa isiping iyon ay napabuga na naman siya ng hininga, napagdesesyonan nalang tuloy niya na maglakad papunta sa sala kung sana ay naabutan niya itong nagsusuot ng sapatos.
“Gusto mo bang ihatid nalang kita? Gamitin ko ’yong kotse.” presinta niya, parang gusto naman niyang matunaw dahil sa titig na ibinigay nito sa kaniya.
“Hindi na, magmomotor nalang ako.” sagot nito at saka ibinalik agad ang atensyon sa ginagawa.
“A-Ah—”
Noong maisuot na ang dalawang sapatos ay, “Ays! Good! Mauna na ako, ikaw ng bahala dito.” iyon lang ang sinabi nito bago kinuha ang backpack na kulay black at tuluyan ng lumabas ng pintuan.
Naiwan siyang tulala sa kawalan, maski nga pagsara ng pinto ay paulit-ulit na nagsisink-in sa kaniyang utak.
Bakit gano'n ito sa kaniya?
Ano bang problema?
Napatingin siya sa kaniyang left side, kung saan ay tanaw niya mula sa glass wall si Joseph na nagpapaandar ng motor. Ilang saglit pa ay namalayan nalang niya na nagpaharurut na ito palayo.
Hindi maiwasan ng kaniyang dibdib ang makaramdam ng sama ng loob, maging ang isipan niya ay maraming katanungan na gustong itanong sa kaniya. Pero paano niya masasagot kung hindi niya alam kung anong mali sa kanilang dalawa? Hindi niya alam kung anong ginawa niyang mali para hindi siya pansinin nito at iwasan palagi. Naisip na naman niya na baka parte na naman iyon ng pagod na dahilan niya, pagod ba talaga? O may iba pang rason kung bakit nito iyon ginagawa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]
Romance[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her dreams, but despite her fame, she tries to forget her past. She has experienced pain, abandonment...