GABI na siya nakauwi, banda ala una na ata. Pag talaga malaman 'to ni Roel panigurado pagagalitan na naman siya nito. Pero buti nalang na hindi nito alam, kasi kung alam nito ay tatawag 'yon at pagagalitan siya.Natawa naman siya, buti talaga honest person si Benedict.
Sa totoo nga hindi naman siya lasing, nakainainom lang.
Medyo nahihilo lang siya pero she can manage naman. Pinihit niya ang siradora ng pinto, ngunit hindi ito bukas. She sighed. No choice na naman.
Weh? Hindi raw lasing?
"Joseph!" Sigaw niya mula sa labas, ngunit ilang sandali siyang naghintay wala pa ring lumabas na Joseph.
Nangangalay na ang kaniyang paa, mas lalong sumakit pa ang ulo niya. Gusto na nga niyang sumuka, pero pinipigilan niya lang.
"Joseph!!!" Sigaw niya uli.
Pero walang sumagot.
"Tangina naman!" Inis na niyang sigaw.
Nakita niyang nagliwanag ang buong bahay, ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto.
Tumambad sa kaniya ang seryusong mukha ni Joseph, nakasuot ito ng sando at boxer short. Naramdaman naman niya ang panginginit ng buong mukha, hindi niya alam kung sa alak o dahil sa nakitang bumubukol.
Jusko lord.
“Anong oras na ah.” malamig na sabi ni Joseph.
She didn't answer his question, agad siyang pumasok sa loob. Inaantok na talaga siya, gusto na niyang matulog at ayaw na rin niyang makita pa ang nakita niya sa ibabang bahagi ni Joseph. Lalo lang nag-iinit ang kaniyang buong katawan.
Pagkapasok sa loob ay naupo siya sa sofa at hinilot agad ang sintido.
“Ganiyan ka ba talaga? Hindi mo ba alam na masyadong malala na ang panahon ngayon? Paano kung may mangyari sa 'yong hindi maganda? Edi, kargo di-konsensya pa kita.”
Tiningnan niya ito, saka natawa ng malakas. Wow naman!
“As if i care?” inirapan niya ito ng bongga.
“Kababae mong tao tapos lasing ka pang uuwi ng madaling araw, tingnan mo nga... Banda ala una na.” Tinuro pa nito sa orasan na nakasabit sa dingding.
She sighed, and then rolled her eyes at him.
“What if, manahimik ka nalang at baka nakakaabala kana sa mga taong natutulog 'no?”
Natawa naman ito sa sinabi niya kaya napakunot ang kaniyang nuo.
“What's funny?” inis niyang tanong dito.
“You know what's funny? Because i don't have neighbors here. It's okay if I'll shout.”
Natigilan naman siya, gagi oo nga pala naalala niyang masyadong liblib naman 'tong pinagtayuan ng bahay ni Joseph at malayo pa sa mga kabahayan.
Nashut up nalang tuloy siya.
Kakahiya.
Nag-iwas nalang tuloy siya ng tingin dito.
Kapagkuwan ay tumayo na siya upang umakyat na sa kuwarto niya.
“Tsk, matutulog na ako—” lalampasan na sana niya ito noong hawakan nito ang braso niya.
“A-Ano ba?” nagpumiglas pa siya.
Tinitigan siya nito ng seryuso, hindi niya nga alam kung nagagalit ba ito sa kaniya o ano? Kaya nakaramdam tuloy siya ng kaba sa dibdib.
“Sorry, but I don't accept failure." Mariing pagkasabi nito, napatitig siya rito. At ito na naman ang puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit ang bilis ng tibok. Kinakabahan ba siya? Gagi pati tuhod niya nanginginig dahil sa kaba, pati ang kaniyang pisngi ay namumula na.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]
Roman d'amour[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her dreams, but despite her fame, she tries to forget her past. She has experienced pain, abandonment...