Kabanata 16

32 2 0
                                    

Habang naglalakad papasok sa bahay na kanilang shinoshooting-an ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng kakaiba.

Pakiramdam niya lahat ata ng tao roon ay nakatingin sa kaniya, oo sanay siya sa gano'n kasi artista siya, pero ngayon parang bago. Parang hindi ata sasang-ayon ang pagkakataon sa kaniya.

Naiilang na tuloy siyang tumigin pabalik sa mga ito, kaya napagdesesyonan nalang tuloy niya na pumasok sa dressing room kung saan ay naabutan niya roon sina Direk at Roel na nag-uusap na para bang seryuso ang kanilang pinag-uusapan.

“Iyon na nga ang problema rito Roel, hindi mo mabantayan ng maayos ang alaga mo.”  rinig niyang sabi ni Direk.

Nakita niyang napahinga ng malalim si Roel, teka... May problema ba?

Magsasalita na sana siya noong magsalita naman uli si Direk, hindi siya mapapansin ng mga ito kasi nasa likuran siya ng mga ito.

“Hindi ko nga alam na gano'n ang mangyayari, hindi ko rin naman kasi pinagbabawalan ang batang ’yon. Malay ko ba na mangyayari ’yon.” sabi ni Roel.

“Hindi mo ba talaga alam? Baka naman may alam ka rito? Alam mo naman na malakas ang love team nila ngayon ni Bend, ano pa ang magagawa natin ngayon? Eh trending na ’yon ngayon, hindi lang tayo ang nakakita  kundi pati na rin ang ibang  taga ibang bansa na fans ng BendHer.” ani Direk.

Napakunot ang kaniyang noo, anong pinaguusap ng dalawa? Kanina pa siya rito nalilito. Ano raw?

“Sa nangyari ngayon, bababa ang ratings ng drama na ito.” dugtong ni Direk.

Hindi na siya nakapagpigil pa at nagsalita na rin, “Ano bang pinag-uusapan niyo?”

Sabay na napalingon ang mga ito sa kaniya, halata sa mga mukha ng dalawa ang gulat noong makita siya.

“K-Kanina ka pa ba riyan?” tanong ni Roel at agad na nilapitan siya.

“Hindi, n-ngayon lang.” pagsisinungaling niya.

“Bakit?” tanong niya agad.

Nakita niyang nagkatinginan ang dalawang bakla, pagkatapos ay binalik naman ni Roel ang tingin sa kaniya at hinawakan pa ang kaniyang dalawang kamay.

“Masaya ako sa inyo ni Joseph.” sabi nito at tipid na ngumiti.

Nagulat siya sa sinabi nito, PAANO NIYA NALAMAN?!

Hindi tuloy siya makatingin ng deretso rito, hindi pa naman siya nagsabi rito ah? Or sinabi na ni Joseph dito? Pero impossible.

Nakaramdam tuloy siya ng kaba sa dibdib, sa hula niya ay panigurado merong malaking problema?

Kahit kinakabahan ay nakuha pa talaga niyang magtanong, “P-Paano mo nalaman?”

Naramdaman niya ang paghigpit nito sa pagkakahawak sa kaniyang kamay, at tinitigan siya ng mariin.

“Masaya ako na nagtagumpay rin ang matagal ko ng hinihiling, iyon ay ang maging masaya ka sa buhay. You know what, no'ng makita ko sa Twitter ang post na may kasama kang lalaki sa Mc Arthur alam kong si Joseph ’yon. At masaya ako sa nalaman ko, masaya ako para sa inyong dalawa, biglaan man na pangyayari pero sana masaya ka sa biglaang pagdating ng taong matagal mo ng gustong dumating.” nakangiting sabi nito habang maluha-luha pa.

Hindi niya alam ang sasabihin, sobrang pinasaya naman ng kaniyang kaibigan ang kaniyang puso. Hindi ito ang una na natulungan siya ni Roel, pero sa pagkakataong ito ay sobrang saya niya sa sinabi at ginawa nito.

Gusto niya tuloy itong yakapin ng mahigpit, hindi niya nga rin napigilan ang maluha sa sinabi nito.

Natatawa siyang pinahirap ang tumulo niyang luha sa kaniyang mga mata, hindi siya umiiyak dahil nasasaktan siya. Kundi umiiyak siya dahil sa sobrang saya niya.

Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon