July 18, 2023
5:28 pm
After how many days, finally it's their wedding day! Located in Kalanggaman Island sa Palompon Leyte. Family and close friends lamang ang imbitado sa kasal nila ni Joseph, wedding beach kasi ang kanilang gusto na theme. Gusto nila na kagaya ng alon ng dagat, kahit anong mangyari ay babalik pa rin sila sa isa't isa-kagaya ng alon at buhangin. Kahit paulit-ulit na magkahiwalay ay babalik pa rin sila sa dati.
Hindi ba't unique?
Nirintahan nila ang islang iyon, sila lang ang nandito at mga staff doon. Pinasarado lang muna nila kasi special day nila iyon e, hindi nga rin nila pinayagan ang mga reporter ma mag punta roon. Because she already quite Showbiz, hindi rin pa sigurado kung babalik pa siya. Ay bahala na!
Nakita niya ang ilang petals na nagkakalat sa buhangin-sa may daanan niya, ang mga upuan naman na kanina ay bakante ngayon ay may mga nakaupo na, lahat ng mga taong naruruon ay nakatutuk sa kaniya ang mga mata habang abot tenga naman ang ngiti.
Siya nalang ang hinihintay.
Biglang kumabog ang puso niya noong mapadako ang paningin niya sa lalaking naghihintay ngayon sa kaniya, nakasuot ito ng navy blue suit, hindi tuloy maiwasan ang paghanga na nadarama niya ngayon. Sobrang gwapo nito sa suot, parang gusto niya itong takbuhin at halikan sa labi. Katabi nito ang pare, sa kanan naman nito ay katabi nito ang kaibigan na si Leonard, at Benedict habang nakangiting nakatingin din sa kaniya. Wala si Khalid sa kasal nila, malungkot man isipin pero may importante itong pupuntahan sa Thailand dahil nagkaproblema ang negusyo nila roon. Pero sabi nito ay babawi na lamang ito sa mga pagkain, ito kasi ang may gastos at nagluto ng mga handa nila bago nagpunta ng Thailand kaninang umaga.
How sad.
Napadako ang tingin niya sa nakaupo sa may harapan, kumaway ito sa kaniya habang nakangiti-si Zaira at katabi naman nito si Reol na nagpapahid ng tissue sa mata, umiiyak... kaya napailing nanb tuloy siya tas katabi naman nito si Aling Mila na hinahagod ang likod nito, kaya mas lalong napailing siya... Si Roel talaga! Hays.
Napabuga siya ng hangin noong makita si father na nakatingin din sa kaniya habang may ngiti sa labi, it's Father Edwin Parto, ilang saglit pa ay naramdaman naman niya ang mga brasong pumulupot sa magkabilaang braso niya.
Agad siyang napatingin roon, hindi maiwasan ng puso niya ang saya at ang maluha-luha noong makita ang mama at Tito Fernan niya, nakangiti ang mga ito sa kaniya.
Dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman ng kaniyang puso ay agad niyang niyakap ang kaniyang mama at Tito Fernan niya.
Hindi mapapantayan ng kahit anong kasangkapan ang ligayang nadarama niya ngayon, nakasuot niya ngayon ng Boho wedding dress, nakalugay lamang ang kaniyang medyo kulot na buhok, habang ang kanan niyang kamay ay may hawak-hawak na bouquet.
Simple lamang ng kasal nila, ayaw nila ng engrade... Sapat na sila sa simple.
"Thank you ma, tito." nakangiting sabi niya sa mga ito noong kumalas siya sa pagkakayakap.
"Papa nalang, huwag na ang tito... Pasasaan pa? Pamilya na tayo ngayon at buo na, hindi ka na naman galit sa akin 'di ba?" natatawang tanong ng Tito Fernan niya.
Kaya nahihiya siyang napatango bago nagsalita.
"P-Pa-papa... Thank you for everything." nahihirapan niyang sabi kasi nahihiya talag siya rito.
Ngumiti ito at nagulat naman siya no'ng hawakan nito ang kanan niyang kamay.
"Hindi man naipagpatuloy ng papa mo ang kaniyang nasimulan, nandito naman ako, handa akong ipagpatuloy iyon." nakangiti nitong sabi.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]
Romance[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her dreams, but despite her fame, she tries to forget her past. She has experienced pain, abandonment...