Kabanata 25

56 4 0
                                    

She was having breakfast in the garden, the breeze of wind tightly hugging her body. Napayakap siya sa kaniyang sarili, napakasarap sa pakiramdam ng hangin na yumayakap sa kaniya. Lalo na ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak na tanim doon sa garden, tanaw niya ang isang hardenero na nag gugupit ng dahon ng mga damo.

She smiled then kinuha niya ang kaniyang tasa na may lamang coffee at sumimsim,  tinimpla iyon sa kaniya ni Aling Mila na kasambahay din doon, mababait naman ang mga kasambahay ng mama at Tito Fernan niya. Kaya wala siyang magiging problema roon.

Hindi nga niha maipaliwanag ang nararamdaman ngayon, she feels that parang nabunutan siya ng tinik na nakabara na ng matagal sa kaniyang dibdib noon.

Nakaupo siya sa isang Kimdelin Outdoor Furniture made of Aluminum,  apat na upuan and isang table.

Naigala niya ang tingin sa paligid, so fresh sa mga mata niya parang napakagaan sa dibdib, habang humihigop ng kape ay hindi naman niya namalayan na nakalapit na pala sa kinaruruonan niya ang kaniyang mama at kasama pa nito ang Tito Fernan niya.

Her mother smile at her, kaya nag smile na rin siya. Naupo ang mga ito sa harapan niya.

“Enjoy drinking coffee?” nakangiting tanong ni Fernan.

Inilapag niya muna ang tasa sa mesa bago sinagot ang tanong nito.

“Sino naman po ang hindi mag-eenjoy sa ganitong bahay?” nahihiya niyang sagot at iginala ang paningin sa buong paligid.

Nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan ay nag ngitian naman sa isa’t isa.

“Kailangan kasi na ganito ang...” natigil ang sasabihin nito noong nakita niyang pigilan ng mama niya ito gamit ang mga titig nito.

Napakunot ang kaniyang noo, alanganin namang napatingin sa akin si Tito Fernan. Ang mama naman niya ay pilit siyang nginitian, kaya parang nakaramdam naman siya ng kung ano-ano.

May tinatago ba sila sa akin?

“A-Ano po iyon?” hindi na niya napigil pa ang sarili at nagtanong na.

“Wala iyon anak.” ani mama niya, pero himig sa boses nito na nagsisinungaling ito.

May problema nga, pero hindi niya alam.

“Maiwan ko muna kayo, mas mabuting kayo nalang muna ang mag-usap.” sabi ng Tito Fernan niya at nginitian siya bago nito kinuha ang dalang kape at iniwan sila.

No'ng makaalis ang lalaki ay ibinalik niya ang tingin sa mama niya, nakatingin din ito sa papalayong asawa ngunit agad din namang naibalik ang tingin sa kaniya pero hindi lang iyon nagtagal kasi nag-iwas naman ito agad ng tingin.

“M-Ma.... May problema ba?” nag-aalala niyang tanong.

“W-Wala naman.” sabi nito at ngumiti ng pilit, alam niya at sigurado siya roon na hindi ito okay at may itinatago talaga ito.

Hindi siya nakumbense sa sagot nito kaya agad niyang hinawakan ang dalawang kamay nitong nakapatong sa mesa.

“Ma...” tawag niya rito.

“H-Hindi totoong hindi kita hinabol sa Manila.” nabigla naman siya sa sinabi nito, sa hindi matukoy na dahilan ay biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga kamay nito.

Nakatingin ito sa kaniya ngunit agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng mama niya.

“H-Hinabol kita, pinilit ko ang sarili na habulin kita.” nakinig lamang siya sa kwento nito.

Hindi niya alam ang mararamdaman, halo-halong emosyon na kasi iyon sa ngayon. Hindi niya napigil ang sarili na maguluhan, kung ano pa ba ang mga hindi niya alam na sasabihin nito.

Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon