NO’NG makarating siya sa bahay ay abot tenga ang kaniyang ngiti, e paano ba naman.... Ang saya sa pakiramdam na tanggap na nina Roel, Direk, at Benedict ang relasyong may roon sa kanila ni Joseph, kaya naman excited siyang sabihin iyon kay Joseph.
“Joseph!” puno ng sayang tawag niya sa pangalan nito, habang naglalakad, binuksan niya ang gate at pumasok roon. Pero hindi pa nga nakakapasok sa loob ay natigilan siya, sigurado kasi siyang sa ganitong oras na mga alas 5:30 ay naroon na sa bahay si Joseph. Pero bakit ang tahimik ata?
Natigilan siya sa paglalakad at tiningnan ng mabuti ang buong bahay, naghintay siya ng ilang segundo na may mag salita pero wala talaga, noong wala talaga ay nalungkot ang kaniyang mukha at tuluyang napabusangot.
Saan na naman kaya nagsusulpot ang isang ’yon?
“BAKA magkaibigan lang.” sabi ni Khalid.
“Oo nga, alam mo naman ang magkakaibigan nagyayakapan.” sabi naman ni Leonard.
“Ang swerte naman ni Bend.” dugtong pa ni Leonard na ikinalingon niya.
Kasulukuyan kasi siyang nakaupo sa bakanteng sofa kung saan nasa tabi naman niya ang mga ito na nakaupo sa may mahabang sofa. Nagkayayaan kasi silang tatlo na magpunta sa bagong bahay na binili ni Khalid. Katapos nga ng klase nagulat siya na nasa faculty na niya ang mga ito at sinusundo na siya.
Malawak ang nabili nitong bahay, wala na nga siyang masabi kasi sa angulo palang talagang pinaglaanan ng oras e. Concrete and Black ang combination ng design ng bahay, halatadong kumuha pa siya ng Interior Designer dahil sa ganda ng ayos ng bahay e.
Sinamaan niya ng tingin ang dalawang kaibigan na nagkukumpulan at hawak ng mga ito ang kaniyang cellphone, kung saan ay isang post sa Twitter ang kanilang pinagkakaguluhan kung saan nagyayakapan sina Benedict at Hermionelle sa litrato.
“Oo nga, balita ko magkaibigan lang ’yan kahit off-cam e.” ani Khalid.
“Kaya pala sweet.” sabi ni Leonard at diniinan ang panghuling salita.
Sabay pa ang mga itong lumingon sa kinruruonan niya, tila ba nanunukso.
Pag talaga matukso siya sa mga ito hindi talaga siya mag-aatubiling suntukin ang dalawang kaibigan.
Kanina pa siya napupuno sa mga ito.
“Gago kayo ah!” turo niya sa mga ito. Agad siyang tumayo at lumapit sa mga ito, hinablot niya ang kaniyang cellphone sa kamay ni Khalid.
“Akin na nga iyan!” inis niyang sabi sa dalawa at agad na tinalikuran ang mga ito, bumalik siya sa kaniyang upuan at napabuntong hininga.
Tiningnan niya uli ang screen shot kung saan nakangiti pa si Hermionelle na nakayakap kay Benedict.
“Tskkkk!”
Ibabato na sana niya ang cellphone sa sahig no'ng pigilan siya ng dalawang kaibigan.
Napabusangot ang kaniyang mukha noong dalawang kamay niya ang pinigilan ng mga ito, at magkabilaan pa talaga sila. Mga gagi.
“Ano ba?!” inis niyang sabi sa dalawa, agad naman siyang binitiwan ng mga ito.
“Ba’t ganiyan ka maka-react?” tanong sa kaniya ni Khalid.
“Ano ka ba niya?” tanong ni Leonard.
Napapikit siya sa sinabi nito, alam niyang bawal siya magmura pero POTANGINA HAHAHAHHAA.
Inis niyang dinampot ang unan na nasa tabi niya at binato iyon sa dalawang kaibigan, humagalapak ng tawa ang mga ito. Ang saya-saya talaga ng dalawa pag naasar siya. Kainis. Makakabawi rin siya, not now but soon.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]
Romance[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her dreams, but despite her fame, she tries to forget her past. She has experienced pain, abandonment...