AGAD niyang binusinahan si kuyang Guard na nagbabasa na naman ng diyaryo, no'ng mapalingon ito sa gawi niya ay nginitian siya nito. Nakasara kasi iyong malaking gate kaya pinagbuksan siya nito.
Agad na niyang pinasok ang motor sa parking lot, pagkatapos ay naramdaman naman niyang bumaba ang kaniyang angkas.
“Thank you, Joseph.” sabi nito at nginitian siya.
“Sus, congratulations sa inyo ni Mr. Principal. Akala ko talaga ay bakla iyon.” bulong niya baka kasi may makarinig.
Natawa naman ito sa sinabi niya, si Teacher Chela ito. Isang Math teacher sa Senior High, matagal na pala silang may relasyon ni Mr. Principal at tinatago lang nila kasi nahihiya pa ito dahil sa agwat ng edad nilang dalawa. 58 na kasi si Mr. Principal habang ito ay 27 palang.
Kaya para sa babae ay nakakahiya, nakiusap kasi ito sa kaniya na sunduin ito sa Aziel Milktea Shop. Kinuha kasi nito ang inorder na Milktea ni Mr. Principal, inamin din kasi nito sa kaniya na buntis ito si Mr. Principal ang ama at naglilihi siya ng Milktea. Naisip nga niya kanina si Hermionelle, mag iisang buwan na rin simula no'ng may mangyari sa kanila pero wala pa naman itong symptoms na nakikita niyang buntis ito. Pero kung mabuntis man ito ay masaya siya at magiging masayang-masaya siya, kung mangyari man iyon sa kaniya siya na ata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo pagmalaman niyang magiging tatay na siya.
“Sige mauna na ako, ilalapag ko nalang sa table mo ’yong milktea na ibibigay ko sa'yo.” nakangiting sabi nito, tango na lamang ang sinagot niya at kaya naglakad na ito palayo sa kaniya.
Nakangiti siyang napailing habang inaayos ang pagkakaparada ng kaniyang motor, noong maayos ay maglalakad na sana siya papunta sa kanilang faculty noong marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.
“Sir Joseph!”
Napalingon siya sa tumawag, si Kuyang Guard. Winagayway nito ang kamay sa ere at saka tumakbo ito palapit sa kaniya mula sa guard station nito, "Oh, bakit?” nakangiti niyang tanong dito.
“Abot tenga ang ngiti ah, kayo na ba ni ma'am Chela?” nanunukso nitong tudyo habang hingal na hingal.
“At may pamilktea pa ah.” dagdag pa nito.
Natawa siya ng mahina, kung alam lang ng guard na ito.
Napailing siya bago sumagot, “Si Teacher Chela? Hindi, kaibigan ko lang ’yon.”
Napatango-tango naman ito sa sagot niya, parang hindi pa kumbisido sa sagot niya kasi kakaiba ang ngiti at ang titig na ibinigay nito sa kaniya.
Kaya iniba nalang niya tuloy ang usapan, “Ah, nga pala... Bakit?”
“Kanina kasi may naghahanap sa'yo.”
Napakunot ang kaniyang noo, sino namang tao ang maghahanap sa kaniya?
“Sabi niya kanina important matter daw.”
“Oh, nasaan na 'yon?” napalingon pa siya sa paligid, as if naman alam niya kung sinong naghahanap sa kaniya—wala para siyang tanga.
“Naku, sir. Huwag mo ng hanapin, umalis na nga e hindi nga ako pinatapos magsalita.” sabi nito.
“Bakit? Ano bang sabi mo?” tanong niya.
Nakita niyang nahihiyang napangisi ang kaharap at sunod ay napakamot sa batok, nagtaka tuloy siya sa inasal nito. May nasabi ba itong mali?
“Eh ano eh, sabi ko lang na... Nagpunta ka sa Milktea kasi may kameet up ka tapos sa tingin ko jowa mo ’yong ka meet mo kasi ano e... Blooming ka.” nahihiya nitong kwento.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]
Romance[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her dreams, but despite her fame, she tries to forget her past. She has experienced pain, abandonment...