Sumunod siya sa hospital na pinagdalhan ng mga ito kay Hermionelle, abot langit na ang kaba niya ngayon dahil nahimatay si Hermionelle. Hindi siya mapakali ngayon sa kotse niya, mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho. Medyo malayo na rin kasi ang kotse na lulan nila Hermionelle.Nakita naman niyang huminto ang kotse sa tapat ng ACE MEDICAL CENTER, no’ng malapit na ay naabutan naman niyang pinahiga ang walang malay na si Hermionelle sa stretcher.
Agad siyang umibis ng sasakyan at nagtungo papasok sa loob ng ACE MEDICAL CENTER. Isa iyong pinalaking hospital dito sa Leyte, hindi mabilang kung ilang floor may roon ang hospital na iyon. Pribado rin iyon, halos mga mayayaman ang mga nagpaka admit sa hospital na iyon.
Luminga-linga siya sa paligid upang hanapin ng mga mata niya ang bulto nina Roel pero hindi mahagilap ng mga mata niya ang mga ito.
Kaya naman ay dali-dali siyang nagtungo sa nurse station.
“Alam mo ba kung saang room dinala si Hermionelle Villablanca?” tanong niya agad, taka naman siyang tiningnan ng nurse pero agad din namang nakabawi at parang may tiningnan pa sa monitor.
“You’re not allowed to go there, sir.” seryuso nitong sabi.
Napaawang ang bibig niya sa narinig. WHAT?!
“What?!” bulalas niya, “P-Paanong bawal ako roon?”
“Bilin po kasi ni sir Roel, na huwag daw ipagsabi kahit kanino kung saang room naroon ang kaibigan niya.” sagot nito.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha upang pakalmahin ang sarili, “He can't do that to me!” sigaw niya kaya napadako tuloy ang tingin ng ibang mga mga tao roon sa kaniya.
"He can't do that to me!” ulit niya pa.
“Pasensya na po, sir. Pwede ka ng umalis.” sabi nito at senenyasan pa siyang umalis na.
“Hindi! Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nakikita ang asawa ko!” matigas niyang sabi. Napalaki naman ang mata ng nurse sa sinabi niya, wala na siyang pake kung anong iisipin nila.
“H-Huwag niyo na pong ipilit, sir. Bago pa po ako mapilit dito at tumawag na ng guard.” sabi nito parang takot na ata sa kaniya.
“Then call that damn guard! Para—”
“Wala ka na ba talagang natatagong hiya riyan sa katawan mo?” naputol ang sasabihin niya noong may magsalita sa likod niya kaya agad niya itong nilingon.
Si Roel, kasama ang mama ni Hermionelle.
Nakaramdam tuloy siya ng kaba at hiya, hindi dahil kay Roel... Kundi sa mama ni Hermionelle.
“R-Roel.” sambit niyabsa pangalan nito.
“Umalis kana, Joseph. Hindi kana kailangan ni Hermionelle.” matigas na sabi nito at inirapan siya.
Hindi na niya alam ang gagawin, nagulat nga siya sa sarili dahil napaluhod siya sa harapan nito.
Sa ngayon ay marami ng mga taong nakapaligid sa kanila at agaw pansin na talaga ang tagpo nila.
Wala na siyang pakialam kung kahihiyan na naman ang aabutin niya, handa siyang mapahiya sa maraming tao para lang ipaglaban ang nararamdaman niya kay Hermionelle.
“L-Lumuhod ulit ako sa harapan mo.” he's tears slowly falling, nakayuko lamang siya sa dalawa.
Lahat ay gagawin niya para sa babaeng mahal niya.
“N-Nagmamakaawa ako sa inyo, t-tita... Roel...” naiiyak niyang sabi.
“Wala ka talagang hiya, pati rito dinadala mo ’yan!” singhal sa kaniya ni Roel.
BINABASA MO ANG
Echoes Of Past [LEYTE SERIES #1]
Romans[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her dreams, but despite her fame, she tries to forget her past. She has experienced pain, abandonment...