Chapter 4

316 34 48
                                    

July 02, 2023

It's been a roller coaster ride for the past six months para kay Imelda. It wasn't easy and her struggle just keeps getting harder and harder, the only good thing that happened was she was finally able to finish her study in office management. It was put on hold for many years dahil sa kakapusan ng pera at panggigipit ni Don Juan

'You can do it'

Kausap niya sa sarili sa tapat ng mahabang salamin

Ngayon ang kanyang unang araw bilang bagong sekretarya ng pinaka boss ng Marcos Group of Companies, si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos. She tried researching about the guy pero wala siyang nakita na kahit ano patungkol dito. Not even a picture! She wonders kung anong klaseng amo kaya ito

'HAPPY BIRTHDAY!!!'

Surpresa ni Joy, matalik na kaibigan ni Imelda at kanyang kasa-kasama sa kanilang tinutuluyang small apartment banda dito sa Alabang

'Pasalamat ka talaga at hindi ako magugulatin'

Nakangiti nitong sabi sa kaibigang kinantahan na siya ng happy birthday habang hawak hawak ang maliit na cake na may nakatusok na maliit na sinding kandila

'Yeeeyyy!!!'

Naglulundag pa nitong hiyaw ng hipan na ni Imelda ang apoy

'Ano yung ni-wish mo?'

Usisa ni Joy na siyang nginitian lang ni Imelda sabay bumuntong hininga

'Ah- right. Ano pa nga ba...'

Bigla na lamang lumungkot ang dalawa

'Bibisita ka ba ulit ngayong araw?'

Tanong ni Joy

'Hmmm... not today. Balak ko kasing puntahan si Aimee mamaya pagkagaling ko sa trabaho. Pero, baka sa sabado. Anyway, kailangan ko ng umalis. Baka mahuli pa ako'

'Sige, mag-iingat ka. Galingan mo'

'Ako pa ba?'

Very confident na sabi ni Imelda kaya natawa na sila parehas

'Aja!'

'Aja!'

At saka umalis si Imelda habang nag-asikaso na din si Joy sa kanyang gagawin para ngayong araw

.

.

.

Halos mabali na ang leeg at maduling na si Imelda habang tinitingala niya ang napakataas na building

'Aja!'

Pagpapalakas loob muna niya bago siya pumasok sa loob

'May dumi ba ako sa mukha?'

Mahina niyang tanong dahil sa mga tingin na binibigay sa kanya ng mga empleyado sa loob. Tila ba nakakita ang mga ito ng multo!

'Hi, I'm Imelda... I'm here to meet Mr. Vergel'

Pagpapakila niya pero parang bingi ang receptionist at nakatulala lang ito sa kanya- hindi! Hindi tulala, nakanganga at nanlalaki pa ang mga mata

'May problema ba?'

Medyo kabadong tanong ni Imelda na kinapa na ang ilalim ng kanyang ilong at baka mamaya meron ay pala siyang kulangot! Nakakahiya yon!

'Hey! Imelda, right?'

Sulpot ni Vergel kaya lumuwag na ang loob ni Imelda. Mabuti at nakita na din niya ang lalaki dahil hindi na niya kayang magtanong sa mga tao dito! Hindi niya maintindihan kung bakit ganito na lang ang mga inaasal na mga ito.... It makes her very uncomfortable!

Memories Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon