Madilim at lubak lubak ang daan palabas ng beach ni Ferdinand. May higit 20-minutos ng nagmamaneho si Imelda pero wala pa din siyang natatanaw na mga sasakyan o bahay o patag na kalsada. Nilalabanan na lang niya ang kanyang pagkahilo at sakit ng ulo dulot ng kanyang pagkakauntog. At kahit walang tulog at masakit ang kanyang buong katawan ay gising na gising ang kanyang diwa. Desidido na siyang makaalis sa lugar na ito
'Ano yon?'
Kunot noo niyang silip sa ilaw na tumatama sa kanyang rear view mirror
'Ha!'
Nanlalaking mata sabay bigla niyang diniinan ang tapak sa gas pedal
Hindi maaari! Nahuli na siya ni Ferdinand!!!
'IMELDAA!!!'
Mas lalo pang nagagalit si Ferdinand dahil nakita niya ang ginawang mas pagmamabilis pa ni Imelda
Hindi siya makakapayag! Kanya ding hinarurot ang kanyang ducati motor bike sabay pinaulanan niya ang sasakyan ni Imelda ng bala
'AH!'
Laking gulat ni Imelda sa sunod sunod na tama ng baril sa kanyang sasakyan. Nabalot na tuloy ulit siya ng takot at nagsimula na siyang muling umiyak ng umiyak
Talaga bang kaya na siyang patayin ni Ferdinand?!
'STOP THIS CAR!!!'
Hindi!!! Naabutan na pala siya ni Ferdinand ng hindi niya namamalayan! Katabi at kasabay na niya itong umaandar at malakas na hinahampas ang salamin ng kanyang sasakyan!
'Tama na, Ferdinand! Pakawalan mo na ako!'
Nag iiyak na sigaw ni Imelda sa loob
Takot na takot na siya! Hindi na siya makapag isip ng maayos. Hindi na rin maayos ang kanyang pagmamaneho dahil hindi niya makita ng malinaw ang daan dahil sa marami niyang luha
'Stop this! Or I will shoot you!'
Naalisan na talaga ito ng bait! Pero hindi nagpatinag si Imelda at mas diniinan niya pa ang tapak sa gas pedal
'AARRGGHH!!'
Galit na sigaw ni Ferdinand ng maungusan na naman siya ni Imelda, kaya't muli na naman niya itong pinaulanan ng bala
'AH!'
Muntik muntikan na siyang tamaan! Butas butas na ang mga salamin ng kanyang sasakyan!
Tuloy pa din sa paghahabulan ang dalawa, at ng mapansin ni Imelda na tumigil na ito sa pagbaril sa kanya ay muli niya itong sinilip sa kanyang salamin, subalit ng dahil sa kanyang pagkaabala sa kung nasasaan na si Ferdinand ay hindi na niya namalayan na nakapasok na pala siya sa bayan
*CRASHED!*
'IMELDAAA!!!'
Napaka lakas na sigaw ni Ferdinand sa nakita niyang pagtama ng sasakyan ni Imelda sa isa pang sasakyan
'Imelda!'
Dali dali siyang bumaba sa kanyang motor pagkatapat niya sa sira at umuusok na sasakyan ni Imelda
'S-sir... bigla na lang po siyang sumulpot'
Nanginginig boses at takot na takot na paliwanag ng lalaking nakabangga kay Imelda. Pero hindi na siya naririnig ni Ferdinand.... Tanging ang duguan at walang malay na lang na si Imelda ang nakikita nito
'Asawa ko...'
Muling nanunumbalik kay Ferdinand ang gabi ng kanyang unang kasal
'Remedios... Imelda...'
BINABASA MO ANG
Memories Of You
RomancePaano kung yung inaakala mong magiging pinaka masayang araw ng iyong buhay, ay siya pa lang magiging pinaka masakit na yugto? Paano mo haharapin ang katotohanang hindi mo na makikita ang iyong pinaka mamahal kahit kailan? Na sa mga larawan mo na lan...