Kahit na nasasaktan at gustong gustong umiyak ni Imelda sa sitwasyon na pinasok niya ay hindi niya magawa. Hindi niya kayang mawala ang saya sa mukha at mga mata ni Ferdinand habang minamaneho nito ang sasakyan, at hawak hawak ng isang kamay nito ang kanyang kaliwang kamay
'Vilamor Airbase?'
Basa niya sa nakasulat ng pumasok sila sa napakalawak na lugar
'Yes'
Masayang sagot sa kanya ni Ferdinand sabay halik ng madiin sa kamay niya
'Is that an airplane?'
'Hmm'
Napapakunot noo na lang si Imelda habang isa isa nilang nadadaanan ang hilera ng iba't ibang eroplano... Pero anong ibig sabihin nito? Bakit siya dinala dito ni Ferdinand?
'We're here'
Sumunod na lang si Imelda at hinayaan niyang dalhin siya ni Ferdinand sa kung saan man siya nito nais dalhin. Ayaw nitong bitiwan ang kanyang kamay habang lumalakad sila
'Ferdinand!'
Bati ng isang lalaki na nakasuot uniporme na pang piloto
'Mr. Angeles'
Tahimik at nakikiramdam lang si Imelda habang pinapanood ang masayang usapan ng dalawa
'And who's this lovely la-...dy...?'
Napahinto ang lalaki sa kanyang nakita, pero sanay na si Imelda, at alam na niya na ganito ang magiging reaksyon sa kanya ng mga taong nakakakilala kay Ferdinand at sa dati nitong asawa
'This is Imelda'
Masayang pakilala sa kanya ni Ferdinand
Ngumiti dito si Imelda at ganoon din si Mr. Angeles kahit pa na-awkward ito sa nakita. Sino ba namang hindi? Kamukhang kamukha ni Imelda ang pinakakamamahal nilang si Ma'am Remedios!
'Oh! What are you doing here?'
Tanong na ni Mr. Angeles. He had no business na kwestyunin ang pakikipagkilala o pakikipagrelasyon ni ng kanilang Sir Ferdinand... kahit pa nga kamukha ito ng yumao nitong asawa
'I was just wondering if, we have a chopper available?'
'Not a chopper, but we have a plane... Your private jet is actually here'
'Perfect!'
('That was extra')
Isip isip ni Imelda sa naging reaksyon ni Ferdinand. Pero mas napapaisip pa siya, a chopper?... a plane?... A private jet! Ano kayang binabalak ni Ferdinand?
'Do you have a place you need to go to?'
Nakangiting kakaiba na tanong ni Mr. Angeles
To be honest, kahit na medyo na-disappoint siya na may iba ng babae na kasama ang kanilang Sir Ferdinand, ay natutuwa na din siya. Kitang kita niya kasi ang saya sa mukha nito. Ang saya na nawala simula ng mawala parehas ang mag-ina nito ng dahil sa aksidente. Plus, itong Imelda, bukod sa kamukhang-kamukha ng Ma'am Remedios nila, ay mukhang mabait naman
'Yes, I wanted to fly to Ilocos'
Mabilis na pinigilan ni Imelda ang pagkabigla at kanya na lang kinagat ang kanyang labi. Pero Ilocos? Lilipad sila ng Ilocos? O baka naman si Ferdinand lang? Pero bakit pati siya andito?
'That's no problem. Your jet is in a very good condition. Are you going to fly tomorrow?'
'Not tomorrow. Tonight'
BINABASA MO ANG
Memories Of You
RomancePaano kung yung inaakala mong magiging pinaka masayang araw ng iyong buhay, ay siya pa lang magiging pinaka masakit na yugto? Paano mo haharapin ang katotohanang hindi mo na makikita ang iyong pinaka mamahal kahit kailan? Na sa mga larawan mo na lan...