A/N: Hey, you guys! I made a mistake! Napagkamukha ko pala yung pangalan ng tatay ni Ferdinand sa pangalan ng lalaking nanggigipit sa pamilya ni Imelda. My bad. But for the sake of the story, at para walang confusion, I am changing the name of that bastard to Don Juan. Okay???... Good! Now back to the story...
-FLASHBACK-
December 2022
Mahigit alas diyes na ng gabi pero pakanta kanta at relax lang na nagmamaneho si Mang Vicente. Pabalik na siya para i-park ang truck na minaneho niya ng mahigit 18-oras. Nasasabik at hindi na siya makapaghintay na makauwi at mayakap ang kanyang dalawang anak
'Oh anak'
Sagot niya sa kanyang telepono ng tumunog ito
'Papa!'
Hiyaw ni Imelda sa kabilang linya
'Oh bakit ka umiiyak?'
Mabilis na nataranta si mang Vicente sa boses ng kanyang anak
'Si Aimee... si Aimee bumagsak!... Nandito kami ngayon sa Jose Reyes, Pa... Puntahan mo kami ... Pumunta ka na dito!'
'Bakit?! Anong nangyari?!'
Kinakabahan na din si mang Vicente, nakalimutan na nga nito ang planong pagbabalik ng truck!
*Beeep! Beeep!*
Sunod sunod na mga busina ng mga sasakyan ng walang ano-ano ay biglang niliko ni mang Vicente ang kanyang truck.
'Bilisan mo na, Papa!'
'Ito na! Ito na!'
Napaka bilis na ng pagmamaneho ni mang Vicente. Nagkabuhol buhol na ang daloy ng trapiko ng dahil sa kanya
'Kumalma ka anak.... Papunta na ako'
Pag aalo ni mang Vicente sa anak. Base sa hysterical na pag iyak nito ay mukhang hindi lang dahil kay Aimee kaya ito nagkakaganito... may iba pa
'Bilis na, Pa... Si Don Juan... Gusto na akong kunin'
Sinasabi niya na nga ba!
'Ang tarantado na iyon!'
At saka niya diniinan pa ang pagtapak sa gas pedal
Walang hiya talaga ang matandang hukluban na iyon. Napaka manyakis! Ayaw talagang tigilan ang kanyang anak at talagang gustong gusto talaga nitong pakasalan siya! Ang kapal ng mukha! Nakakasuka!
'Huwag na huwag kang lalabas ng hospital. Hintayin mo ako'
Sagad na talaga sa kawalang yaan ang matandang iyon. Pagkatapos siyang alipinin ng maraming taon, ngayon naman ay pati ang kanyang anak ay gusto na ding angkinin
Nagdidilim na ang kanyang paningin at wala na sa kalsada ang kanyang atensyon kung kaya't huli na ang lahat bago niya pa narinig ang malakas niyang pagbangga sa isang sasakyan
'Papa, ano yon?!'
Ramdam ni mang Vicente ang tindi ng tama ng isang sasakyan, at nanginginig siya sa takot sa maaaring nangyari sa mga sakay non, pero mas nanaig ang pag-aalala niya para sa kanyang anak. Mas kailangan siya nito ngayon, dahil kilala niya ang pagkatao ni Don Juan. Halang ang kaluluwa ng demonyo na iyon
'Wala anak... Mayroon lang nagkabanggaan'
Pagsisinungaling niya bago niya muling pinaandar ang truck at tinakasan ang kanyang nadisgrasya
BINABASA MO ANG
Memories Of You
RomansaPaano kung yung inaakala mong magiging pinaka masayang araw ng iyong buhay, ay siya pa lang magiging pinaka masakit na yugto? Paano mo haharapin ang katotohanang hindi mo na makikita ang iyong pinaka mamahal kahit kailan? Na sa mga larawan mo na lan...