Chapter 17

420 33 58
                                    

A/N: This chapter is dedicated for carmellacelestin3 . I hope you enjoy! 

Ilang araw pa ang lumipas ay nagsisimula ng ma buryo si Imelda. Masaya siya na makasama si Ferdinand subalit na mi-miss  na niya ang kanyang pamingkin at ama. Hindi rin nakakatulong na wala siyang pinagkakaabalahan lalo kapag abala si Ferdinand sa mga zoom meeting nito

'Ma'am Imelda, halika ka at samahan mo ako kumain'

Aya ni Manang Biday ng makita niya si Imelda na nakatayo mag isa sa may tabing dagat

'Wow! Ang daming lechon!'

Nakakatakam naman itong kinakain ni Manang Biday, pero natatakot si Imelda na magalit na naman sa kanya si Ferdinand

'E, alam ko naman kasing gustong gusto niyo na makatikim ng masarap. E, naiintindihan ko naman kayo, dahil ako man ayoko yung mga pagkain ni sir!'

Pagpapalubag loob nito kay Imelda. Sa totoo kasi ay naawa ito dito nung isang beses na pinagalitan at napahiya ito ng kanyang alaga

'Kaya lang po, baka magalit ulit si Ferdinand'

'Ay naku! Hindi naman niya malalaman! Hindi ako magsasabi, ma'am. Promise!'

Tapos sinara pa nito ang kanyang bibig at saka sumenyas na parang ziniper iyon

'Hmm...'

Pigil na pigil si Imelda!!! But the lechon looks so delicious and she hasn't eaten anything other than veggies for the last six days!

'Okay! Pero bawal po malaman ni Ferdinand ah?'

'Oo naman, ma'am! Ako nga pasimuno, e. Edi kapag nabuking tayo, ako pa ang malalagot!'

'True. Hahaha'

At saka sabay na nilantakan ng dalawa ang lechon. Tuwang tuwa pa si Manang na panoorin ang masarap na pagkain ni Imelda. Halatang halata na nasabik ito sa karne at heto kung makasubo ay parang wala ng bukas! Nakakatuwang bata, walang kaartehan
.
.
.
'I'll be back on Monday. I'm just finishing some stuff here at the beach... Yeah. Don't worry. I'll take care of that once I finish my business here'

Then he put down the phone with an exasperated gasp

Hindi pa handa at ayaw pang bumalik ni Ferdinand sa kanyang trabaho, dahil mangangahulugan iyon ng pagbabalik niya sa reyalidad. Matatapos na ang masasaya niyang sandali kasama ang kanyang pinaka mamahal.... speaking of, kanina pa niya hindi nakikita si 'Remedios'. Marahil ay nasa dagat na naman ito at nagtatampisaw, kaya tumayo na si Ferdinand at kinuha ang kanyang binocular para silipin at masilayan ang napaka ganda niyang 'asawa'

'Now, where are you?'

Taliwas sa kanyang inaaasahan ay hindi sa dagat kung hindi sa lilim ng puno kasama ni Manang Biday naglalagak si Imelda

'What are you guys doing?'

He said smiling dahil kitang kita niya na masayang naghuhuntahan ang dalawa

'Yari kayong dalawa sa akin, hindi niyo ko sinali'

Nakangiti pa din niyang salita dahil hindi talaga niya mapigilan. Napaka sayang panoorin ang pagtawatawa ni Imelda habang ngumunguya, subalit mabilis din iyong nawala ng makita niya ang isunubo nito...

'Haven't I told you already?'

He said disappointingly

Pero kahit dismayado siya sa kanyang nakikita ay hindi pa din niya magawang lubusang magalit at alisan ng tingin si Imelda. Dahil kung magpapakatotoo lang siya... ang totoo ay nasisiyahan siya. Dahil napaka ganda ng mga ngiti ni Imelda sa simpleng pagkain lang ng karne, and he thought that he could pay for every meats- poisons in this world if that would give her this simple joy... but then again, he would do it for Imelda... not Remedios

Memories Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon