Chapter 30

377 37 52
                                    

Naiinip at hindi na mapakali si Ferdinand habang hinihintay ang pagdating ni Vergel. Kailangan na niyang malaman kung totoo ba ang mga pinagsasabi ni mang Vicente. Dalawang araw na siyang walang tulog kakaisip sa posibilidad na magkapatid nga sina Imelda at Remedios

Paano niya tatanggapin ang ideya na mismong kapatid pa ng dati niyang asawa ang kanyang pinakasalan?... Minamahal... at sinaktan...

'Ferdinand!'

Wala ng katok katok na pasok ni Vergel sa kanyang opisina

'Ano?... Nakumpirma mo ba?'

Nagdadalawang isip pa na inabot ni Vergel ang kanyang dalang manila envelope

Nabasa na niya ang resulta ng imbestigasyon, at kahit siya ay hindi makapaniwala. Sinisisi na niya tuloy ang kanyang sarili. Siya ang nagpakilala kay Imelda sa kanyang kaibigan ng hindi man lang inisip kung ano ang background nito. Kung hindi lang sa pagnanais niya na mabilisang matulungan si Ferdinand, ay hindi sana sila humantong sa ganitong sitwasyon

'Totoo nga'

Gulat na gulat si Ferdinand habang binabasa niya ang nilalaman ng report

'Identical twins?'

Kaya pala walang kahit isang pinagkaiba ang dalawa!

'I'm sorry, Ferdinand... Hindi ko siya  dapat pinakilala sa iyo ng hindi man lang tsinek ang background niya'

Pero hindi na iniintindi ni Ferdinand ang sinasabi ng kanyang kaibigan. Mas nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang binabasa

'They were separated without the twins knowledge?'

'Ah, yes. As per investigation, nagtanan ang magkasintahang Vicente at Remedios sa Olot Tolosa sa may Leyte para takasan ang mga magulang ni Remedios dahil pilit silang pinaglalayo ng mga ito. Eventually, nahanap din sila ng mag-asawa... pero sa kasamaang palad ,ay huli na ang lahat. Wala na ang kanilang anak'

Nababasa din iyon ni Ferdinand

'She died from giving birth'

Bulalas ni Ferdinand pagkabasa niya sa cause of death ng ina nila Remedios at Imelda

'Unfortunately, yes. But that was just the beginning. When Remedios' parents found out about her giving birth, they tracked down Vicente and forcefully snatched their grandchild'

'But why just Remedios?'

'Because they didn't know'

'They didn't?'

Kunot noo na tanong ni Ferdinand

'Yes. When they came to take Remedios' child, they didn't know that it was a twin. Our investigations showed up, that mang Vicente was not willing to gave up both of her daughters, so instead he lied about just having one child. I guess, alam naman niyang hindi siya titigilan ng mga magulang ni Remedios kaya napilitan na siyang ibigay na lang yung isa sa kambal'

It's a lot to take in! 

'So, it's all true'

Malungkot na tumango si Vergel. He wonders kung ano na kaya ang pumapasok sa utak ngayon ng kanyang kaibigan. Natatakot siya sa kung anong maaaring tumatakbo sa isip nito. Kung siya nga na walang direktang kinalaman ay nabibigla na, ano pa kaya ang kanyang kaibigan?! Na siyang umibig sa kambal... at biktima ng mga ama nito

'I-I don't know what to do'

Kitang kita ni Vergel ang malaking kalituhan sa kanyang kaibigan. Siguro ay dapat niya ng sabihin ang matagal na bagay na kanyang naiisip

'Ferdinand.... I think you need help- medical help'

Memories Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon