Makalipas ang dalawang araw na pagkain ng maayos at mabuting pagsunod ni Imelda kay Ferdinand ay unti unti na ding bumabalik ang kanyang lakas. Nakakatayo at nakakalakad na siya ng hindi kinakailangang alalayan. Pero ang tunay na nagpagaling sa kanya ay ang mahusay na pag-aalaga ni Ferdinand. Mula sa masasarap at masusuntansyang pagkain, hanggang sa pagpapaligo at pag e-ehersisyo ay hindi ito nakakalimot. Kung hindi lang sa pagkulong nito sa kanya ay marahil mas lalo pa siyang napamahal dito ng sobra... pero matalino din siya, at alam niyang ang mabubuting pagkilos nito ay dulot ng kanyang pangako, na kanyang hindi naman matutupad
'So, how does this work?'
Masusing pinag-aaralan ni Imelda ang security system para kung sakaling topakin at biglang magbago ang isip ni Ferdinand na ilabas siya ay magagawa niya pa din ang makalabas. She came to realize kasi na wala siyang ibang paraan kung hindi ang dumaan ng pintuan! Wala kasi siyang communication signal dito sa loob dahil tinanggal din ni Ferdinand!
'Oops. Not that'
Takot niya ng biglang nag-beep ang alarm sa mali niyang napindot
'Okay... Do not touch anything that miiiight trigger it...'
Maingat na maingat na siya ngayon. Kailangan ay maintindihan niya ang setup ng alarm para alam niya kung paano ito maa-unlock
*Door unlocked*
Beep ng alarm
'Oh shit!'
Dali daling umayos si Imelda dahil kita niya sa monitor si Ferdinand! Pero bakit ang aga nito umuwi!
'Hello sweetheart'
Bati ni Ferdinand pagkapasok
'H-hi'
Utal at nakatago sa likod niya ang nanginginig niyang mga kamay
'I missed you already kaya hindi ko na tinapos yung trabaho ko'
Sabi ni Ferdinand habang pumipindot ito sa alarm
('I see... So, kailangan mo palang isetup yan everytime na bubukas-sara yang pinto...')
Pagtatanto ni Imelda
'I didn't get us anything kasi naisip ko na baka may specific kang gusto na kainin'
Unaware pa din si Ferdinand sa pag-aaral ni Imelda sa kanya
'What would you like?'
'Ah?'
Muntik na siyang mahuli! ... But wait!
May naisip siya!
'How about... you treat me out?! Doon sa may masarap na resto sa may kabilang kanto?'
Tama! Mas mataas na ang kanyang tiyansa kapag nasa labas na sila!
'Uhm...'
Ayaw ni Ferdinand at kitang kita iyon ni Imelda, kaya dapat mas galingan niya pa!
'Sige na... Please?'
Nakanguso at yumakap na siya dito
'Paano ba naman kita tatanggihan kung ganyan?'
Nakangiti at himas himas naman ni Ferdinand sa kanyang maliit na beywang
'Yay!'
Lundag ni Imelda sabay halik sa labi nito
Ito na ang kanyang pagkakataon! Ang kailangan na lang niya ay humanap ng tiyempo at magawang humiwalay dito
'Let's go'
BINABASA MO ANG
Memories Of You
RomantikPaano kung yung inaakala mong magiging pinaka masayang araw ng iyong buhay, ay siya pa lang magiging pinaka masakit na yugto? Paano mo haharapin ang katotohanang hindi mo na makikita ang iyong pinaka mamahal kahit kailan? Na sa mga larawan mo na lan...